Makikita sa mapa ang paglapit ng bagyo sa HK mula sa hilagang parte ng Pilipinas |
Itinaas ng Hong Kong ang pinaka una nitong Signal No 8 sa taong ito, dahil sa paglapit ng bagyong Talim, na ang pangalan ay nagmula sa Pilipinas, kung saan din ito naunang nanalasa.
Itinaas ang signal mula sa No 3 nitong 12:40am
ng Lunes, dahil pumasok na si Talim sa loob ng 300 km na distansya sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inaasahan ang patuloy na paglakas ng hangin na
may kasamang ulan sa paglapit ng bagyo sa mga darating na oras, pero malamang
na hindi ito tumama ng diretso sa siyudad.
Ayon sa Observatory, malamang na manatili ang
Signal No 8 nang hanggang 7am, o bago ang pagbubukas ng mga opisina at
eskwelahan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagkatapos na itaas ang signal ay nagpahayag
ang mga kumpanya ng bus na babawasan nila ang mga biyahe ngayong magdamag
bilang pag-iingat.
Nagsabi din ang mga kumpanya ng ferry na
ititigil nila pansamantala ang mga biyahe bandang 2am, pero ang mga tren ng MTR
ay magpapatuloy sa pagtakbo, maliban na lang kung lumala ang sitwasyon.
BASAHIN DITO |
Nag-umpisang maramdaman ang paglakas ng hangin dahil kay Talim nitong hapon ng Linggo, May mga punong bumigay, at isang babae na lumalangoy sa South Bay ang itinakbo sa Queen Mary Hospital nang matamaan ng parte ng isang punong natumba.
PADALA NA! |
CALL US! |