Mapapabilis na ang paglabas-masok ng mga FDH na nakarehistro sa e-Channel |
Simula bukas, July 31, ay maari nang dumaan sa mga e-Channel gates ang mga foreign domestic helpers, estudyante mula sa ibang bansa na 11 taong gulang pataas, at imported workers.
Ito ay ayon sa pahayag na ipinalabas ng
Immigration Department ngayong araw ng Huwebes.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang e-Channel ay yung mga gates na ginagamitan lang ng HK ID cards para magbukas sa una, at sa pangalawa naman ay fingerprints at face recognition o pagkilala sa mukha ng mayhawak.
Dati rati ay kailangang dumaan sa mga immigration
counter ang mga FDH, estudyante at imported worker ang hawak na visa. Ang mga
permanent resident lamang, mga may regular employment visa at dependant lang
ang maaaring gumamit ng e-Channel.
BASAHIN ANG DETALYE |
Para magamit ang pribilehiyong ito ay kailangan
lang mag download ng libreng mobile application ng “Contactless e-Channels” ng Immigration
Department gamit ang isang smart phone na may “biometric authentication
technology" o yung maaring magrehistro ng face o fingerprint
identification.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pagkatapos mag-enrol gamit ang mobile app,
maaring gamitin ang QR code na makukuha mula dito o ang smart HKID card para lumabas
ng HK gamit ang e-Channel kung saan tanging ang mukha na lang ang pagkikilanlan
para magbukas ang pinto papasok sa baggage check.
Para sa mga papasok sa Hong Kong, may “landing
slip” kung saan nakalagay ang mga kundisyon o haba ng pananatili sa siyudad na
lalabas sa e-Channel. Kapag nakuha na ng biyaherong papasok ang landing slip ay
bubukas na ang pinto, tanda na kumpleto na ang pagrerehistro sa Immigration.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sabi ng
Immigration, maaari nang gamitin ng lahat ng mga residente na edad 11 taong
gulang pataas ang lahat ng mga lagusan ng e-Channel, kabilang yung ginagamit ng
mga lumalabas papunta ng Macau at Mainland.
Pero yung hindi nakarehistro o ayaw gamitin ang e-channel ay maari pa ring dumaan sa mga service counter.
BASAHIN DITO |
Tinatayang may 500,000 na dagdag-katao ang makikinabang sa pinabilis na paglabas-pasok gamit ang e-channel, kabilang ang 380,000 na mga FDH.
Para sa mga karagdagang detalye, magpunta lang sa website ng Immigration: www.immd.gov.hk. Maari ding tumawag sa hotline para dito, 2824 6111, mag fax sa 2877 7711 o magpadala ng email sa enquiry@immd.gov.hk.
PADALA NA! |