Ang opisina ng OWWA kung saan nangyari ang insidente |
Isang Pilipinang employer ang nagbitaw ng mga maanghang na salita sa harap mismo ni welfare officer Dina Daquigan sa opisina ng Overseas Workers Welfare Administration kanina, kung saan sila nagharap ng kanyang domestic helper na lumayas matapos tumawag ng pulis.
Sa malakas na boses ay tinarayan ng employer ang
dating helper na si Lyn, at sinabing alam niya na pera lang naman daw ang habol
nito sa kanya. Sabi pa ng amo, yun lang naman talaga ang gusto ng mga domestic
worker na katulad ni Lyn, at kayang kaya niyang bayaran ito.
Narinig at nasaksihan ng ilang mga Pilipina na nasa
opisina din ng OWWA ang pagtataray ng amo, bago ito nagbayad ng kabuuang halaga
na $4,600 para sa hindi naibayad na suweldo ni Lyn, pati sa air ticket
food allowance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay Lyn, pinayuhan siya ni WelOf Dina na huwag
na lang niyang pansinin ang matatalim na salita na ibinato ng amo sa kanya,
dahil mukhang may pinagdadaanan ito.
Nasa sa kanya pa rin kung gusto niyang sampahan ng
kaso ang amo, pero dahil pumirma siya sa isang kasulatan na siya ang pumuputol
sa kanilang kontrata ay baka mahirapan na siyang maghabol ng dagdag na kabayaran.
Si Welof Dina ang humarap sa mag-amo sa opisina ng OWWA (File) |
Sabi naman ni Lyn, ginusto niyang magreklamo laban sa dating amo hindi dahil gusto niyang maghabol ng pera, kundi dahil
sa masamang pagtrato na ginawa nito sa kanya sa loob ng anim na buwan niyang pagsisilbi.
Sa umpisa ay maganda daw ang pagtrato sa kanya, pero pagkalipas ng ilang buwan ay walang oras na hindi siya sinisigawan nito, at sinasaktan pa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong Sabado, July 1, ay hinampas daw siya ng damit ng amo sa loob ng kanilang bahay sa Lohas Park, Tseung Kwan O, kaya nagdesisyon siyang sundan ang suhestiyon ng isang kaibigan, at tumawag ng pulis.
Patapos na ng anim na taong pagtatrabaho sa Hong Kong si Lyn nang makilala niya ang amo habang naghahanap siya ng lilipatan. Inalok daw sya nito ng suweldong $6,000at ang sabi ay gusto niyang bihasa at maganda ang record ng kukuning kasambahay, kaya siya pumayag.
“Maayos naman ang usapan naming noon kaya napapayag
ako,” sabi ni Lyn.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Huli na niyang malaman niya na masyadong mataas ang
pamantayan ng among Pilipina na kasal sa isang Intsik kaya lagi siyang
pinapagalitan, at noong bandang huli ay sinasaktan siya.
Ang isa pang gustong ireklamo ni Lyn ay ang pagtanggi ng amo na ipagamot siya o bigyan man lang ng gamo, noong magka Covid-19 silang lahat sa bahay. May mga natago daw siyang chat nila ng amo kung saan makikitang nakikiusap siya sa amo na payagan siyang magpatingin sa doktor.
Sa payo ng isang nagmamalasakit na kaibigan ay nagdesisyon na tumawag ng pulis si Lyn noong Sabado, July 1, matapos diumano siyang hampasin ng damit ng amo. Pero pagdating ng mga pulis ay maayos naman daw nakipag-usap ang among Pinay sa kanila.
BASAHIN DITO |
Walang ginawang aksyon ang mga pulis dahil wala silang nakitang bakas ng inireklamo niyang pananakit.
Dahil nanlalambot pa rin sa galit sa ginawa sa kanya ng amo ay pinayuhan si Lyn ng mga pulis na bumaba muna ng bahay at magpalamig, bago sila umalis. Ayon kay Lyn, wala siyang kadala-dala nung bumaba siya kaya bumalik sa bahay para kunin ang mga gamit niya.
Doon daw niya nakita na pinagsisira ng amo niya ang mga gamit niya, kabilang ang kanyang apple watch, kaya tumawag siya ng pulis ulit. Sa pagkakataong ito, at para matapos na ang pagwawala ng kanyang amo ay pumayag daw siyang pumirma sa kasulatan na siya ang pumutol ng kanilang kontrata.
Balak pa rin ni Lyn na patuloy na magtrabaho sa Hong
Kong, kaya lang ay kinakabahan daw siya dahil nalaman niyang inunahan na siya
ng amo sa pagre report sa Immigration na siya ang kusang umalis sa kanyang
trabaho dahil hindi niya kayang magawa nang maayos ang kanyang trabaho.
Pero nananaig pa rin ang kagustuhan niya na
makaganti sa pahirap at pananakit daw sa kanya ng amo, kaya malamang na
ireklamo pa rin niya ito sa labour o sa immigration. Ang tanging gusto na lang
daw niya ay wala nang ibang kasambahay na dumanas ng hirap na katulad ng kanyang
pinagdaanan.
PADALA NA! |
CALL US! |