Nasentensyahan si Arimas sa Eastern court kanina |
Apat na buwang kulong ang ipinataw na parusa ng Eastern Court kanina sa Pilipinong nabaril ng isang pulis matapos niya itong saktan sa Peng Chau noong gabi ng Jan. 24.
Umamin si Oliver Arimas, 43 taong gulang, sa dalawang kasong pananakit ng dalawang pulis na rumeresponde para patigilin ang pag-iingay ng kanyang grupong nag-iinuman sa isang bahay sa Wing On St., Peng Chau.
Ang kanyang kapwa akusado na si Cione Chris Sacdalan, 33 taong gulang, ay pinalaya matapos
iurong ang dalawang kaso ng pananakit sa isang pulis laban sa kanya, kapalit ng pangakong hindi siya muling lalabag sa batas sa loob ng 36 buwan. Kapag lumabag siya sa pangako ay
magbabayad siya ng multang $2,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pinagbayad
din si Sacdalan ng $1,000 bilang gastos ng korte.
“Ang pananakit
ng pulis habang ginagawa ang kanilang tungkulin ay isang mabigat na
pagkakasala,” wika ni Principal Magistrate Ivy Chui sa Ingles. “Hindi lang sila
gumagawa ng tungkulin, pinapanatili rin nila ang kapayapaan.”
Para sa unang
kaso -- ang pananakit sa isang senior police constable -- ipinataw ni Chui kay Arimas ang apat at kalahating buwang
pagkabilanggo. Dahil sa pag-amin ni Arimas, binawasan ang sentensiya ng 1/3 kaya
naging tatlong buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa ikalawang
kaso – ang pananakit sa isa pang pulis – ang naging parusa ni Arimas ay anim na
linggong kulong. Pero dahil sa pag-amin, binawasan ito ng 1/3 kaya naging apat
na linggo.
Nangyari ang krimen noong gabi ng Jan 24. Isang tao ang tumawag sa emergency line na 999 at inireklamo ang ingay na nanggagaling sa ikalawang palapag ng isang gusali sa Wing On St., Peng Chau.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dalawang
pulis ang kumatok sa apartment na may nag-iinuman at sinabihan ang nasa
loob na huwag mag-ingay.
Sandaling
natigil ang ingay, pero maya-maya ay may tumawag ulit sa 999 upang magreklamo na maingay na naman sa bahay.
Kumatok ang
senior police constable sa pinto at pinagbukasan ni Sacdalan. Hinatak ni Arimas ang pulis papasok, sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kuwelyo.
BASAHIN DITO |
Nang gamitan ng pulis ng pepper spray si Arimas ay sinakal siya nito at itinulak pababa sa
hagdanan.
Sumunod pa si
Arimas pababa, at nang harangin siya ng ikalawang pulis ay sinuntok niya ito.
Inilabas ng unang
pulis ang kanyang baril at nagbantang magpapaputok. Nang patuloy pa ring
sumugod si Arimas ay tatlong bala ang sumalubong sa kanya.
Pareho
silang dinala sa ospital, kung saan nag-agaw-buhay si Arimas.
Ayon sa abugado ni Arimas ay pinagdusahan nito ang kanyang nagawa, dahil ang pagkabaril niya ay nagsanhi
ng pamamanhid ng kaliwa niyang braso. Nagawa lang daw nito ang manlaban dahil sa kalasingan.
Hiniling ng abugado na kung maari ay gawing community service na lang ang parusa kay Arimas o kaya ay maiksing pagkabilanggo, pero isinantabi ng hukom ang pakiusap.
Ayon kay Magistrate Chui, hindi tamang ikatwiran na nagawa ni Arimas ang manakit dahil siya ay lasing.
Sabi ni Chui: “Ang pagiging lasing ay hindi katanggap-taggap na palusot. Sa halip, ito ay dapat magpalubha ng isang pagkakasala.”
PADALA NA! |
CALL US! |