Si Alejo (may puting buhok) pagkatapos ng pagdinig, |
Naudlot ang pagdinig sa kasong pagnanakaw na isinampa laban sa isang Pilipino nang
mag-isa siyang humarap kanina sa Eastern Court, matapos umurong ang kanyang pribadong
abogado.
Kinumpirma ng taga-usig na nagpasabi sa kanila ang abogado
ni Celso Alejo Jr., 72 taong gulang na negosyante, na hindi na siya
ipagtatanggol nito.
Si Alejo ay isa sa tatlong Pilipinong humarap sa
magkakahiwalay na korte ngayon sa kasong pagnanakaw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nang tanungin siya ni Magistate Minnie Wat kung ano ang plano
niya, humingi siya ng dalawang linggong palugit upang humanap ng bagong abogado,
base sa kanyang kayang ibayad.
Nagtakda ng panibagong pagdinig si Magistrate Wat sa Aug. 3,
at pinayuhan siya na magpunta sa opisina ng duty lawyer sa 2nd
floor, upang kumuha ng libreng abogado. Nagbabala din sya na hindi na papayag na
ipagpaliban ulit ang pagdinig.
BASAHIN ANG DETALYE |
Ang unang kaso laban kay Alejo ay ang pagnanakaw ng 82 gold pendants, 75 gold coins, 16 gold rings, 7 gold disks, 6 gold ingots, 5 gold bangles, 5 gold figurines, gold peach, 3 gold ring bands, 2 gold peanuts, 2 gold balls, 2 gold chains, 1 gold Chinese zodiac wheel, 1 wedge-shaped gold piece, 1 gold earring, 1 gold clip, 1 gold frame, 1 gold bar, at 1 platinum ring.
Ang mga alahas, na pag-aari nina Mak Kay Kay at Mak Seen Wah
Sylvia, ay ninakaw umano mula sa bandang katapusan ng 2016 hanggang October 2017, sa isang opisina
sa On Hing Terrace sa Central.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang ikalawang sakdal kay Alejo ay ang pagnanakaw noong Jan. 17, 2017 sa isang pawnshop sa Central ng isang brilyanteng kuwintas na pag-aari rin ng dalawang Mak.
Walang binigay na kabuuang halaga ng mga hiyas na ninakaw niya diumano.
Nakakalaya si Alejo sa bisa ng piyansang $40,000.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa Kowloon City Courts, humarap si Cheryl de Vera, 39 taong
gulang, bilang isa sa tatlong asylum seeker na akusado sa pagnanakaw.
Kasama niya sa kaso ang dalawang Indian – sina Gursewak Singh,
29, at Gurmuki Singh, 29 -- na kinasuhan ng pagnanakaw ng $600 cash at isang
Octopus card na may lamang $100 mula sa isang sasakyan na nakaparada sa harap
ng Showboat Mansion sa Quarry Bay noong Aug. 28, 2022.
Ang dalawang Indian ay inakusahan din ng mas mabigat na
kasong robbery dahil sa pagnanakaw sa isang matandang babae ng isang waist bag
na may lamang HKID, isang ID para sa mga senior, isang susi sa bahay, isang
Octopus card, isang mobile phone at cash na $16,000.
BASAHIN DITO |
Nangyari ang sinasabing krimen noong Aug 22, 2022 sa tapat ng Kowloon
City Plaza sa Kowloon City.
Ibinalik ang tatlo sa kulungan upang hintayin ang susunod na
pagdinig para pag-usapan ang pag-akyat ang kaso sa District Court.
Sa District Court naman, si Elvin Ramon Zuniga, 48 taong
gulang, ay ibinalik sa kulungan matapos ipagpaliban ang pagdinig ng kasong isinampa sa kanya, ang pangangalakal ng nakaw na brilyanteng singsing na pag-aari ni Chan Tsz-ting.
Sa Aug. 17 ang susunod na pagdinig sa kaso.
PADALA NA! |