Ok daw siya, sabi ni Delizo sa text sa pinsan |
Matapos lumabas ang balitang siya ay pinaghahanap ng kanyang pinsan ay nagpadala diumano ng text message si Janeth Delizo noong Lunes at sinabing ‘ok’ sya at hindi nawawala.
Pakiusap din
niya sa pinsan na si Jenelyn Dauz na kapwa niya domestic worker sa Hong Kong,
pakibura na lang daw ang post nito.
Yun lang, at
hindi na naman daw muling ma kontak si Delizo sa number na ginamit niya para
padalhan ng mensahe si Dauz.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sinunod naman ni
Dauz ang mensahe ng pinsan, at sinabi sa isang grupo sa Facebook na nagparamdam
na si Delizo, at hindi na nawawala.
Sa kabila nito
ay hindi pa rin mapakali si Dauz dahil hindi pa rin daw siya sigurado kung
talagang maayos na ang kalagayan ng pinsan na pinanawagan niya matapos ang
isang buwan nitong pananahimik.
“Kasi
tinatawagan ko yung number na pinan text niya e di pa nagri ring, call ended
agad, dagdag ni Dauz.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Hindi pa rin
ako makatulog nang maayos sa kakaisip kung nasa maayos (na kalagayan) ba talaga
siya.”
Idagdag pa rito,
hindi pa rin sigurado na si Delizo ang nag-text, o kung siya man, ay baka
napilitan lang din na magpadala ng mensahe dahil hindi na naman muling
matawagan.
Sa nauna niyang
pahayag na ipinalabas sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers, sinabi
ni Dauz na nag-aalala na ang mga magulang at anak ni Delizo dahil laging “cannot be reached” lang ang nakukuha nilang
mensahe kapag tinatawagan nila ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa WhatsApp
naman daw ay walang sumasagot kahit nagri ring ang telepono nito. Huli daw
siyang nakitang “seen” o nagbukas ng mensahe noon pang June 20.
Kahit pareho
silang nasa Hong Kong ay hindi daw alam ni Dauz kung saan ang eksaktong tirahan
ng pinsan, o kahit ang pangalan lang sana ng employer nito.
Sinubukan niya na humingi ng tulong sa Konsulado, pero sinabihan daw siya na ang pinakamalapit na kaanak lang ang maaring humingi ng impormasyon tungkol kay Delizo, at hindi siya kabilang doon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
paratingin niya daw sa Overseas Workers Welfare Administration na nagpadala ng text sa kanya ang pinsan ay sinabihan daw siyang ipasa na lang sa kanila ito.
Si Delizo ang
pangalawang Pilipina na ibinalitang nawawala sa nagdaang tatlong linggo. Ang
una, si Ivy Christian Diaz Guzman, ay hindi pa rin daw kumokontak sa kanyang
employer.
Nagpaalam daw
ito na sasabayan ang pagbabakasyon ng mga amo dahil gusto niyang makita ang
anak sa Pilipinas. Umalis siya sa bahay ng mga amo noong June 30 at dapat ay
bumalik na noong July 5 pero hindi nito tinupad.BASAHIN DITO
Ang kanyang amo
na nagpakilala sa pangalang Andy ay agad na naglabas ng pakiusap sa Facebook sa
sinumang nakakaalam sa kinaroroonan ni Guzman na tawagan siya.
Bagamat hindi na
siya nakarinig pang muli ng balita mula kay Guzman, hindi pa rin nagtanim ng
sama ng loob si Andy, at sinabing malamang na nagpasya ang kanilang kasambahay
na huwag nang bumalik sa Hong Kong matapos makita ang anak.
Base sa mga
kaparehong kuwento sa mga nagdaang taon, may posibilidad din na pasikretong
lumipat ng ibang bansa si Guzman at nagdesisyong manahimik muna.
PADALA NA! |