Hiling ni Annabelle, sana ay may dumalaw sa kanya |
Nananawagan ang Mission for Migrant Workers na
tulungang mapasaya ang isang Pilipina na tatlong buwan nang nakaratay sa
ospital matapos ma-stroke, sa pamamagitan ng pagdalaw sa kanya.
Si Annabelle Bullante na 40 taong gulang pa lamang,
ay nasa Tung Wah Eastern Hospital sa Causeway Bay kung saan siya isinasailalim
sa physiotherapy.
Dahil sa tindi ng stroke na tumama sa kanya noong
April 9 ay hindi pa rin siya makapagsalita, at nananatiling paralisado ang
kalahati ng katawan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa ipinarating na apela sa Mission ng isa
niyang kaibigan, gusto na daw umuwi ni Annabelle dahil malakas na siya at walang
dumadalaw sa kanya. Nag-aalala ang kaibigan niyang ito dahil pauwi na siya sa
Pilipinas noong Martes, at baka lalong malungkot si Annabelle kapag wala na
siya.
May isa pang Pilipina na nakakausap si Annabelle sa
ospital noon, si Jocelyn, pero tumigil na rin ito sa pagpunta doon dahil
gumaling na ang matandang inaalagaan.
Agad namang hiniling ni Cynthia Tellez, general manager ng Mission, sa isa sa kanilang mga volunteers na si Juvy na puntahan si Annabelle at dalhan ng adult diapers, dahil lagi daw syang nauubusan nito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasabay nito ay ipinarating ni Tellez ang pakiusap ni Annabelle sa mga opisyal ng Konsulado,
lalo na ang apela nito na puntahan naman siya ng mga taga Overseas Workers
Welfare Administration para alamin ang kanyang kundisyon at tulungan siyang
makauwi na.
Tugon naman ni OWWA welfare officer Dina Daquigan, matagal na nilang na monitor ang kaso, at lagi silang nakikipag-ugnayan sa ospital, mga doctor at employer ni Annabelle.
Wala daw itong problema sa employer dahil todo suporta ito at handang bayaran ang lahat na dapat na matanggap ng pasyente. Dinadalaw din daw ito at dinadalhan ng pagkain ng kanyang tiya na nagtatrabaho sa parehong employer.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Bagamat isang linggo na daw silang sinabihan na maari nang umuwi si Annabelle ay wala daw silang makuhang maaaring mag escort kay Annabelle sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
Bandang huli, napagkaisahan daw na ang tiya na lang ni Annabelle ang mag-uuwi sa kanya sa Pilipinas. Hinihintay na lang daw nila ngayon ang payo ng doctor bago bumili ang employer ng tiket para sa pag-uwi ni Annabelle at ng kanyang tiya.
Ayon naman kay Jocelyn, masuwerte pa rin si
Annabelle na isang single mother sa kabila ng nangyari sa kanya. Patuloy daw kasi
siyang pinapasuweldo ng kanyang amo kaya nanatili ang pagpapadala niya ng pera
sa kanyang pamilya.
BASAHIN DITO |
Dagdag ni Jocelyn, sana ay gumaling ang kanyang
kaibigan nang tuluyan, at suklian ng tapat na pag-aalaga ng kanyang pamilya ang
kanyang pagsasakripisyo.
(Sa
mga gustong dumalaw kay Annabelle, siya ay nasa Bed 6, D2, 2nd floor ng
Tung Wah Eastern Hospital sa 19 Eastern Hospital Road sa Causeway Bay. Ang oras
ng dalaw ay mula 12nn hanggang 2pm, at 5:30pm hanggang 8pm).
PADALA NA! |
CALL US! |