Hindi sumipot sa pagdinig ng kanyang kaso sa Shatin courts ang Pilipina |
Ipinaaresto kanina ang isang Pilipinang nakademanda dahil sa pag-overstay, matapos na hindi siya sumipot sa pagdinig ng kaso sa Shatin Courts.
Inutos ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong na isantabi
ang dating piyansa ni Lyria Garillo, 39 taong gulang, at hindi na siya payagang
magpiyansang muli kapag hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi siya nakarating.
Unang nakalista ang kaso ni Garillo sa Court 3, pero dahil para
sa “paper disposal” ang pitong kaso dito, mabilis na natapos ang sesyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inilipat ang kaso ni Garillo sa Court 1, marahil sa pagbabaka-sakaling
naantala lang siya at hindi umabot sa Court 3, pero nang tawagin ang kaso niya bandang 11:40 ng umaga, ay wala pa rin siya kahit sa labas ng korte.
Ayon sa mga dokumento ng korte, nagpasabi siya noong March 3 na lilipat ng tirahan sa Tok Wa Wan, mula sa Tsim Sha Tsui.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Domestic helper si Garillo nang dumating sa Hong Kong, pero siya ay nasisante ng amo noong April 24, 2019. May 14 na araw siya upang humanap ng bagong amo, pero nabigo at nagtago na lang.
Nahuli siya noong April 14, 2020, matapos ang halos isang
taong pag-overstay.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Upang hindi siya agad pauwiin, nag-apply siya ng non-refoulement, na kung ibibigay sa kanya ay magbabawal sa gobyerno ng Hong Kong na pwersahan siyang pauwiin sa Pilipinas. Bilang tanda na may hinihintay siyang ganitong desisyon ng gobyerno, may hawak siyang “recognizance form”.
Sa isang hiwalay na kasong dininig din ni Magistrate Cheang
kanina, isa pang Pilipinang kinasuhan dahil nag-overstay at may hawak ding recognizance form, ang binigyan ng mahabang pagpapaliban ng pagdinig ng kanyang
kaso.
BASAHIN DITO |
Ipinagpatuloy ang bisa ng piyansang $500 ni Ma. Luna Siva, 45 taong gulang, hanggang sa susunod na pagdinig sa Nov. 22.
Si Siva, na dumating bilang turista, ay dumating noong March 2008 at naaresto matapos ang 13 taong pag-overstay, noong January 2021.
PADALA NA! |
CALL US! |