Parehong humarap sa Kwun Tong court ang 2 akusado |
Dalawang Pilipinang domestic helper na kinasuhan ng pagnanakaw sa Kwun Tong Courts ang nagkahiwalay ng landas kanina nang isa sa kanila ang umamin at ang ikalawa ay tumanggi sa akusasyon.
Si J. E., 42 taong gulang, ay umaming nagnakaw ng
dalawang bote ng baby oil, isang bote ng baby shower gel, isang bote ng baby
shampoo at isang bote ng paminta, na nagkakahalaga ng kabuuang halaga na $253.
Bagamat nasentensyahan ng kulong, sinuspindi naman ito sa utos ng hukom kaya malayang nakaalis sa korte ang akusado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inamin ni .E. ang pagnanakaw matapos makita ang mga ito sa mga
gamit niya. Ini-report siya ng kanyang among si Wong Ka-wa sa pulis at inaresto
sa bahay nito sa Beaumont Phase I sa Tseung Kwan O.
Sinabi ng kanyang abogado na kinuha niya ang mga ito sa
loob ng anim na buwan mula Feb. 1 hanggang July 23, dahil lahat ng kanyang
kinikita ay ipinadadala niya sa kanyang mga magulang at apat na anak sa
Pilipinas at hindi siya binibigyan ng kanyang amo ng mga gamit na pansarili.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maliban sa kasong ito, malinis ang rekord ni J.E., dagdag ng
abogado.
Dahil sa pag-amin, hinatulan siya ni Acting Principal
Magistrate Daniel Tang ng dalawang linggong pagkakakulong pero ito ay
suspendido nang 18 buwan, kaya hindi niya kailangang makulong kung hindi siya
magkakasalang muli sa loob ng isa’t kalahating buwan.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa hiwalay na pagdinig, itinanggi ni L. Diones, 34 taong
gulang, na ninakaw nya ang dalawang itim at isang asul na pantalon na
nagkakahalaga ng kabuuang $597 mula sa tindahan ng Uniqlo sa Tseung Kwan O
noong March 6.
Ayon sa kanyang abogado, mula sa una ay hindi nagbago ang pahayag
ni Diones na hindi niya ginawa ang krimen at pangangatawanan niya ito sa paglilitis.
BASAHIN DITO |
Dahil sa pagtanggi ni Diones, ikinasa ni Magistrate Tang ang
pre-trial review sa July 23 upang ilinya ng dalawang panig ang mga ebidensiya
at testimonya ng kani-kanliang mga saksi, at pagkasunduan ang mga tunay na nangyari.
Pinalaya si Diones nang pansamantala sa bisa ng piyansang $300.
PADALA NA! |
CALL US! |