Itinakbo sa Kwong Wah Hospital si Joy matapos matapunan ng kumukulong sopas |
Kalalabas pa lang ni Joy Gabriel sa ospital matapos matapunan ng sopas na pinakulo niya ng apat na oras nang sabihan siya ng kanyang tiya na mas makakabuti na sumabay na siya sa pag-uwi nito sa Pilipinas kinabukasan, July 1, dahil baka mahirapan siya kung wala siyang kasabay sa eroplano.
Mula sa Kwong Wah Hospital kung saan ginamot si Joy
ng apat na araw dahil sa paso niya sa tiyan ay agad silang nagpunta ng kanyang
tiya sa bahay ng kanyang amo sa Mong Kok, kung saan binayaran lang siya ng isang
buwang suweldo, at agad siyang binook ng ticket pauwi.
Si Joy, 29 taong gulang, ay walong buwan pa lang sa
kanyang amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kahit panay ang payo sa kanya ni Marites Palma ng
Social Justice for Migrant Workers na huwag munang umuwi dahil kailangan niyang
magsampa ng kaso para sa pinsala na tinamo niya habang nagtatrabaho ay walang
nagawa si Joy dahil sa pagpipilit ng kanyang tiya.
Nasabihan na rin ang Bethune House Migrant Women’s
Refuge na kailangan niya ng titirahan, pero nanaig ang kagustuhan ng tita ni
Joy na sumama na lang ito sa kanya pag-uwi.
Mabuti na lang at kahit paano ay nakarating sa
Overseas Workers Welfare Administration sa Hong Kong ang kanyang kaso bago siya umuwi sa Aurora Province para makapiling muli ang kanyang
asawa at dalawang maliliit na anak.
Pindutin para sa detalye |
Kanina ay masayang ikinuwento ni Joy na dinalaw na
siya ng mga taga OWWA sa Aurora para mag-imbestiga at alamin din kung magkano ang nagagastos niya sa araw-araw na pagpunta sa ospital para patingnan ang
kanyang sugat, at pati sa gamot.
Sinabihan din daw siya ng mga taga OWWA na
tutulungan siyang magsampa ng kaso laban sa kanyang dating amo kung kinakailangan.
Noon lang naliwanagan si Joy na bagong salta sa Hong
Kong, na marami pala siya dapat ikinaso sa kanyang amo, at posible pang
nakalipat siya sa iba nang hindi umuuwi muna sa Pilipinas.
Apat na araw sa ospital si Joy dahil sa paso, at patuloy pa ring naggagamot ngayon |
Ayon kay Joy, siya ang nagsabi sa amo noong
nakaraang buwan na gusto na niyang magbitiw at umuwi sa Pilipinas dahil palagi
siyang pinapagalitan ng asawa nitong lalaki.
Bukod sa mag-asawang amo na may edad na ay kasama din sa dalawang palapag na bahay na pinagtrabahuan niyang mag-isa ang dalawang anak nila, at pati ang asawa ng isa sa mga ito, at dalawang maliliit na apo.
May limang kotse daw ang pamilya
na pinapalinis lahat sa kanya tuwing ikatlong araw.
Kahit mabigat ang trabaho ay kaya naman daw niyang pagtiisan, pero ang laging paninigaw ng matandang lalaki ang hindi niya kinaya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pumayag naman ang amo niya na umalis siya, pero
nakiusap daw na huwag munang magbitiw habang hindi pa dumarating ang papalit sa
kanya. Nagkasundo sila na mananatili si Joy sa mga amo hanggang June 26 bagamat
wala silang pinirmahang anumang kasunduan.
Sa mismong takdang araw na kanyang pagbaba ay
nangyari ang aksidente, at itinakbo sya sa ospital kung saan nanatili siya ng
hanggang June 30.
Ayon daw sa kanyang amo ay hanggang June 26 na lang ang kanyang visa kaya kinailangan nila itong i-extend sa Immigration, pero hanggang June 30 lang daw ang binigay na palugit.
Sinabi
din daw sa kanya na dahil nagbitiw na siya ay wala na siyang insurance, kaya
hindi na mababayaran ang naging pinsala sa kanya dahil sa mga tinamo niyang
sugat.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sabi ni Joy, ang lahat ng ito ay kinuwento lang ng kanyang employer, at dahil baguhan lang siya ay hindi niya naisip na baka may mga karapatan siyang nalabag.
Unang una, wala naman siyang pinadalang sulat sa
Immigration na nagbibitiw na siya, at tanging ang amo lang niya ang nagsabi na putol
na ang kanyang visa sa mismong araw na dinala siya sa ospital. Kataka-taka din na sa mismong araw ng paglabas niya sa ospital ang ibinigay na palugit sa kanyang visa.
Kung walang nakarating na sulat ng pagbibitiw mula
sa kanya ang Immigration, dapat ay binayaran siya ng kanyang amo ng isang buwang
suweldo kapalit ng pasabi, at baka higit pa.
Saka na lang din niya nalaman sa payo ni Palma at ng
OWWA na dapat ay may pananagutan pa rin sa kanya ang kanyang amo dahil nasaktan
siya sa oras ng pagtatrabaho, batay sa Employee Compensation Ordinance.
BASAHIN DITO |
Kabilang sa dapat bayaran sa kanya ay ang gastusin
habang siya ay nagpapagaling, at pati na rin sa patuloy na pagpapatingin at
gamutan. Sa ngayon, halimbawa, ay dinagdagan ng antibiotics ang mga reseta niya
para daw masigurong hindi maimpeksyon ang kanyang sugat.
Umaasa na lang si Joy ngayon na magagawan pa rin ng paraan ng OWWA na habulin sa kanyang amo ang lahat ng mga dapat nitong binayad sa kanya, at kasuhan na rin dahil sa agarang pagpapauwi sa kanya para maiwasan ang mga dapat na panagutan sa kanya.
PADALA NA! |
CALL US! |