Sa Aug. 1 ang balik ng Pilipinang turista sa korte |
Isang Pilipina na gumamit ng mga pekeng dokumento para makakuha ng visa extension sa Immigration Department ang nahaharap ngayon sa dalawang kaso nang mabisto na ang support letter na ipinasok niya ay gawa-gawa lang.
Si Vivian Solis, 35 taong gulang, ay pinakawalan sa bisa ng
piyansang $1,000 matapos binasahan ng dalawang kaso sa Shatin Courts kahapon
(July 11).
Itinakda ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong ang
susunod na pagdinig sa kanyang kaso sa Aug. 1.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inakusahan si Solis ng pagsisinungaling sa Immigration
officer nang sabihin niya rito, nang mag-apply siya ng extension of stay noong
Jan. 10, 2022, na magtatrabaho siya bilang domestic helper ng isang Iris May
Chaves.
Ayon sa Immigration Ordinance, ang pagsisinungaling sa isang
Immigration officer ay may parusang multa na aabot sa $100,000 at pagkabilanggo
na aabot sa dalawang taon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
At dahil nag-sumite siya ng isang pekeng kopya ng sulat
mula kay Chaves bilang suporta sa kanyang hinihinging visa extension, kinasuhan
din siya ng paggamit ng pekeng dokumento at pagtatangkang kumbinsihin ang isang
opisyal ng gobyerno na ito ay totoo.
Ayon sa Crimes
Ordinance, ito ay may parusang aabot sa 14 na taon.
PADALA NA! |
CALL US! |