Si Carmela (itim na pantalon) ay sinamahan sa korte ng taga MWO. |
Itinanggi ng isang Pilipina ang paratang na sinaktan niya ang kanyang alagang bata nang humarap siya sa Eastern Court ngayon.
Dahil sa pagtanggi ni Carmela Sulpico, 34 taong gulang, itinakda ni Principal Magistrate Ivy Chui ang dalawang araw na paglilitis ng kaso sa Aug. 19-20.
Pansamantala siyang pinalaya sa piyansang $200.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Inakusahan si Sulpico ng pananakit sa kanyang alagang siyam
na taong gulang, na tinawag na X, na nagsanhi ng kakaibang sakit o masamang epekto sa kalusugan nito. Ito ay paglabag sa Section 27(1) ng Offenses
Against the Person Ordinance.
Sinabi ng taga-usig na handa silang magharap ng mga testigo,
kasama na ang umano’y nasaktang bata, at CCTV recording noong araw na naganap
ang insidente sa bahay ng amo ni Sulpico sa Central.
Ayon naman sa abugado ng kabilang panig, may ipakikita rin siyang
dalawang minutong video na magpapatunay na walang kasalanan ang nasasakdal.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang umano’y pananakit ay nag-ugat sa pagpilit ni Sulipico na
maligo ang bata noong Feb. 20, pero tumanggi ito at nagwala. Pagkatapos ng
insidente ay nakitaan ng mga pasa ang katawan ng bata.
Pero ayon kay Sulpico, siya rin ay nagtamo ng pasa dahil sa insidente.
Sinamahan siya sa korte ni social welfare attache Remilene Marcelino at isa pang tauhan ng Migrant Workers’ Office.
BASAHIN DITO |
Siya ay tumutuloy sa shelter ng MWO sa Kennedy Town habang
nilalabanan ang kaso.
PADALA NA! |
CALL US! |