Ang gusali kung saan nahuli ang Pilipina |
Isang Pilipina ang humarap kanina sa West Kowoon Courts sa tatlong kaso ng pagtutulak ng droga noong July 17 sa isang building sa Tsim Sha Tsui.
Ibinalik sa kulungan si Sherlita Guia, 37 taong gulang na
asylum seeker, matapos hilingin ng taga-usig na ipagpaliban ang pagdinig para
sa karagdagang imbestigasyon at payong legal mula sa Department of Justice.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Itinakda ni Principal Magistrate Don So ang susunod na pagdinig
sa Sept. 12.
Ang unang kasong isinampa ng Anti-triad section ng Yau Ma
Tei-Tsim Sha Tsui Police District laban kay Guia ay ang pagtutulak ng droga
noong July 14 sa 2nd floor na hagdanan ng Block C Tsim Sha Tsui
Mansion sa Nathan Road.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Naulit ang pagtutulak ng droga noong araw ding iyon sa Room
1, Flat D4 ng Block D ng naturang
gusali.
Ang ikatlong kaso ay ang pagtutulak ng droga sa Room 2, Flat
D4 ng Block D ng naturang gusali
pagkalipas ng ilang oras.
Hindi binanggit sa sakdal kung gaano kadami ang droga na nakuha mula sa akusado.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang tatlong kaso ay paglabag sa Dangerous Drugs Ordinance.
Ayon sa Section 4(1) (a) ng batas na ito, na ginamit ng
pulis na basehan ng kaso, pwedeng kasuhan ng drug trafficking ang isang tao na nagbenta ng droga para sa sarili, o para sa ibang tao.
BASAHIN DITO |
Ang parusang itinakda para sa pagkakasalang ito ay multang
hanggang $500,000 at pagkakakulong ng hanggang pitong taon sa pinakamabigat na
kaso na kailangan ng indictment, o multang aabot sa $100,000 at pagkakakulong
ng hanggang isang taon kung mas magaang ang kaso.
PADALA NA! |