Tindahan na pinangyarihan umano ng pagnanakaw |
Isa sa dalawang Pilipinang akusado sa pagnanakaw ng mga produktong naka-display sa mga tindahan ang nakatakdang litisin matapos itanggi ang paratang.
Nauna nang itinanggi ni L Diones, 34 taong gulang na domestic helper, na ninakaw niya ang dalawang asul na pantalon at isang itim na pantalon sa tindahan ng Uniqlo sa Tong Yin St. sa Tseung Kwan O.
Ang krimen ay nangyari umano noong March 6
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang humarap ulit si Diones sa Kwun Tong Courts kanina para
sa pre-trial review, itinakda ni acting Principal Magistrate Daniel Tang ang
paglilitis sa Oct. 24.
Pinakawalan si Diones matapos palawigin ni Magistrate Tang
ang kanyang piyansang $300.
Sa ikalawang kaso, pansamantala ring pinayagang magpiyansa ng $600 si F. Pascua, 61 taong gulang na domestic helper, matapos siyang humarap sa Eastern Court dahil sa hiwalay na paratang ng pagnanakaw.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Inakusahan siyang nagnakaw ng isang pares ng hikaw na
nagkakahalaga ng $198 sa Where Design Store sa Provident Square sa North Point
noong ika-10 ng Disyenbre, 2022.
Sa hiling ng taga-usig, itinakda ni Magistrate Minnie Wat
ang susunod na pagdinig sa Sept. 6.
PADALA NA! |