Ang produktong may CBD na nakita sa pasahero |
Sa unang pagkakataon ay may nakulong na tao sa Hong Kong dahil sa pagdadala ng produkto na may cannabidiol (CBD), o sangkap na mula sa cannabis, sa kanyang gamit.
Nasentensyahan ng dalawang buwang pagkakakulong ang
isang babaeng pasahero na bagong dating dahil nakitaan sa kanyang bagahe ng dalawang
bote na pamahid sa masakit na parte ng katawan, na ang sangkap ay may 5% na
CBD.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Dumating ang babae na 32 taong gulang, sa Hong Kong noong March 29 mula
sa United States.
Bukod sa produktong may CBD, nakita din sa bagahe ng
babae ang 2.2 gramo ng ketamine na nasa isang bote, at 10 pang-ineksyon na mukhang
ginagamit sa ipinagbabawal na gamot.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinampahan siya sa Western Magistrates Court ng dalawang kaso ng pagdadala ng
pinagbabawal na gamot at isa ng para sa mga gamit para sa pagtuturok ng droga,
na labag sa Dangerous Drugs Ordinance.
May ketamine din at mga pang-ineksyon na nakita sa gamit ng babae |
Dati ay hindi pinagbabawal ang pagdadala at paggamit ng CBD sa Hong Kong, pero winakasan ito nitong Pebrero ng kasalukuyang taon, nang ipasa ang batas na nagsama dito sa listahan ng mga pinagbabawal na gamot.
Sa opinyon kasi ng ibang eksperto ay nakaka "high" din ang CBD dahil mula ito sa katas ng hemp, na isang uri ng cannabis katulad ng marijuana.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa Customs Department, masaya sila sa sentensyang
ipinataw ng korte dahil magsisilbi itong babala kanino man na isang seryosong
kaso ang magdala ng pinagbabawal na gamot sa Hong Kong, kabilang ang anumang produkto na may CBD.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang pinakamabigat na parusa sa sino mang makitaan ng may dala o nagtatago ng pinagbabawal na droga para sa sariling gamit ay pitong taong kulong at multang
$1 million.
Ang pagdadala naman ng gamit para sa pagsinghot,
langhap o pang-ineksyon ng droga ay maaring parusahan ng hanggang tatlong taon sa kulungan
at patawan ng $10,000 na multa.
BASAHIN DITO |
Sa maraming bansa katulad ng Canada, United Kingdom at iba pang parte ng Europe ay nagkalat
ang mga produkto na may CBD dahil hindi ito bawal doon.
PADALA NA! |
CALL US! |