Doble na ang multa sa pagkakalat, 4x na mas mataas sa tindang hinaharang sa daanan |
Simula sa Oktubre 22 ay dodoblehin na sa $3,000 ang
multa sa mga mahuhuling nagkakalat sa publiko. Ito ay matapos maipasa ang
panukala sa Legislative Council kahapon, Miyerkules.
Bukod sa pagkakalat, papagmultahin din ng
kaparehong halaga ang mga mahuhuling dumudura sa mga pampublikong lugar
kabilang ang mga country park, ang mga pinapabayaang magkalat ng dumi ang
kanilang mga alagang aso, pagtatapon ng basura sa dagat, at pagsasabit ng mga
poster at pagdikit ng mga sticker ng walang pahintulot.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dating multa sa mga ganitong paglabag sa mga
panuntunan ay $1,500.
Pero ang pinakamalaking dagdag na parusa ay
inilaan sa mga nagtatapon ng basura mula sa construction site at dinudugtungan
ang kanilang mga tindahan ng walang pahintulot. Mula $1,500 ay itataas ang
multa sa $6,000.
Ayon sa pinuno ng Environment and Ecology Bureau
na si Tse Chin-wan, ilalabas sa gazette ng gobyerno ang bagong batas sa
katapusan ng Hulyo, at magkakaroon ito ng bisa simula sa Oct 22.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Ayon kay Tse, inalala din ng ilang mga mambabatas
sa posibleng maging epekto ng batas sa mga maliliit na negosyante, pero mas nangibabaw
ang kanilang pagpapahalaga sa masamang epekto sa kapaligiran ng patuloy na pagharang
sa mga kalsada at daraanan ng mga tao ng mga ilegal na istraktura.
Ang pagpataw ng mas mataas na multa sa mga
nagkakalat ay una nang binanggit ni Chief Executive John Lee sa kanyang policy
address noong Oktubre ng nakaraang taon.
PADALA NA! |
CALL US! |