Kuha ni Lyn nang biglang pumasok ang amo sa kwarto nya para saktan siya |
Ang istorya ni Lyn na lumabas sa The SUN kahapon ay nagdulot ng pagkabahala sa ilang mga kapwa niya domestic worker, lalo at tumanggi siyang ihabla ang amo na nanakit at nagmolestiya sa kanya.
Pero ang
ganitong kuwento ay hindi na kakaiba dahil marami ang mga foreign domestic
worker ang dumadaan sa ganitong pagsubok, lalo na at sila ay nagtatrabaho sa
loob ng isang kabahayan.
Marami din sa kanila
ang katulad ni Lyn ay nanatiling tahimik dahil takot na mabalikan, o kaya ay
mawalan ng trabaho.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero ayon sa
Equal Opportunities Commission o EOC, hindi dapat pinapalampas ang ganitong
maling pagtrato ng mga employer dahil may batas na nagpoprotekta sa mga biktima
ng sexual harassment.
At nananatili
ang proteksyong ito kahit (1) ang panggigipit o harassment ay hindi sinasadya,
nangyari lang ng isang beses o walang sinuman ang nakasaksi; (2) kahit
pagkatapos mangyari ang panggigipit na sekswal ay patuloy na nagtrabaho sa employer
ang isang FDW.
Paano naman
masasabi na ang inasal ng amo ay sexual harassment?
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa EOC, ang
sexual harassment ay tumutukoy sa hindi hininging seksuwal na atensyon.
Kabilang dito ang paghipo; pagsabi, pag-iingay o pagpahiwatig ng mga sekswal na
bagay; paghiling sa isa na hipuan siya o pumayag na makipagtalik.
Maari ding
magawa ito nang hindi diretsahan, katulad ng paghuhubad o panonood ng pornographic
na pelikula sa harap ng biktima, na nagsasanhi ng kanyang pagkatakot.
Ano ang dapat
gawin ng isang biktima ng sexual harassment? Ayon sa EOC, maraming pwedeng
lapitan o hingan ng tulong, pero ang mahalaga ay matigil agad ang gawaing ito
na labag sa batas.
BASAHIN ANG DETALYE |
Una, tumanggi o
iprotesta ang ginagawang panggigipit ng harasser. Kung hindi ang employer ang
gumagawa nito, agad magreklamo sa employer.
Para may ebidensya, isulat kung ano ang nangyari, kasama ang mga detalye tulad ng petsal, oras at lugar na pinangyarihan ng insidente. Isama kung ano ang mga sinabi at ginawa ng maysala, pati na rin kung sino ang mga nasa paligid nang mangyari ang insidente.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Agad na humingi
ng tulong sa mga kaibigan, NGO, union sa paggawa, Konsulado ng Pilipinas (o
Indonesia, etc) o ibang samahan, at i-record kung kailan ito ginawa.
Pagkatapos nito
ay magsampa ng reklamo sa OEC sa loob ng 12 buwan magmula nung mangyari ang
insidente, o magsampa ng kasong sibil sa District Court, at dapat mag-umpisa
ang paglilitis sa kaso nang hindi lalampas sa 24 buwan magmula sa naganap na
insidente.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Kung ang nangyari ay paulit-ulit na pang-aabuso katulad ng paghipo, paghalik o pilit na pakikipagtalik gamit ang bunganga - o panggagahasa, magreklamo agad sa pulis.
Ang mahalaga ay
hindi dapat pinapalampas ng biktima ang ganitong pagyurak sa kanyang dangal at
pagkatao.
BASAHIN DITO |
Sa mga gustong
maghain ng reklamo sa EOC, maari silang puntahan sa kanilang opisina sa 16/F,
41 Heung Yip Road, Wong Chuk Hang, Hong Kong, o tumawag sa kanilang hotline,
2511 8211. Ang EOC ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45am hanggang
5:45pm.
PADALA NA! |