Si Rovelyn ay dating malusog bago nahawaan ng TB |
Nakatakda nang umuwi sa Pilipinas si Rovelyn P. Mendoza, 36 taong gulang, nang biglang manikip ang kanyang lalamunan bandang 6am nitong June 28, kaya sinugod sya sa Kwong Wah Hospital.
Nagdesisyon ang mga doktor na operahan siya agad
matapos makitang nagsasara na ang kanyang mga vocal cords kaya hindi sya
makahinga, pero pumanaw siya habang nasa operating room.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inulila niya ang kanyang asawa na si Ruben Ragudo at
dalawang anak, edad 13 at 6 taong gulang. Nakatakda sana siyang umuwi na nitong
June 30 dahil lagi siyang nagkakasakit simula nang pagpasok ng taon, pero hindi na niya nagawa.
Ayon kay Marites Palma ng Social Justice for Migrant Workers na isa sa mga hiningan ng tulong ni Rovelyn, hinahanapan daw sana nila ng makakasama ito pauwi dahil laging sumasakit ang lalamunan at hirap nang magsalita, nang malaman nilang bigla itong pumanaw.
|
Hinihintay pa ang resulta ng autopsy sa kanyang labi,
pero hinihinala ng mga doktor na ang kanyang pagkamatay ay may kinalaman sa tuberculosis
sa kanyang spinal column na nakita nito lang Pebrero pero hindi alam kung saan niya
nakuha.
Maaari din daw na lumala ito matapos magka Covid-19 si
Rovelyn noong Disyembre. Magmula daw kasi nang mangyari ito ay lagi na lang
sinasabi ng yumao na nahihirapan siyang huminga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa naluluhang pahayag ng kanyang nakababatang
kapatid na si Ronalyn na dalawang linggo pa lang sa Hong Kong, parang hinintay
lang siya ng kanyang ate na makarating dito bago ito namaalam.
“Kahit nahihirapan na siya, hinintay pa rin niya akong
makarating dito,” sabi ni Ronalyn.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang ate daw niya ang gumastos sa lahat para makapagtrabaho
siya sa Hong Kong, at matulungan ang sariling pamilya sa Pilipinas.
Si Rovelyn ay anim na taon nang nagtatrabaho sa Hong
Kong, pero tatlong taon pa lang sa among taga Olympic Station.
BASAHIN DITO |
Sabi ni Ronalyn, nagrereklamo dati ang kanyang ate na
pagod siya sa trabaho pero ni minsan ay hindi nagsabing gusto na niyang umuwi,
lalo at malaki ang naitutulong niya sa pamilyang iniwan sa Pilipinas.
Sobrang matulungin daw ng kanyang ate kahit sa
mga panahong malala na ang kanyang sakit..
Isa lang daw ang laging sinasabi nito sa kanya, ang
mag-ipon para sa sarili dahil hindi masasabi ng sinuman kung kailan sila
magkakasakit, katulad nang nangyari sa kanya.
Kahit nakapagbitiw na si Rovelyn ay inako pa rin ng kanyang amo ang lahat ng gastusin sa pagpapauwi sa bangkay, kabilang ang
para sa autopsy, death certificate at bayad sa punerarya.
May makukuha din ang kanyang mag-aama ng Php150,000
mula sa Overseas Workers Welfare Administration para sa pagpapalibing sa yumao,
at scholarship para sa kanyang bunsong anak.
(Ang sino mang gustong tumulong sa pamilya ni Rovelyn
ay maaring ipadala sa Alipay account ng kanyang pinsang si Aileen Exconde, tel
no 62858675. Maari ding kontakin ang kanyang kapatid na si Ronalyn Mendoza,
5682 3375.)
PADALA NA! |
CALL US! |