Nasira daw ang telepono ni Cely matapos silang mag-usap ng pamangkin |
Pagkatapos ng ilang araw na hindi makontak ng kanyang mga kamag-anak si Cely Espero, 52 taong gulang at taga La Union, ay lipinaliwanag ng isa niyang kaanak ang tungkol sa kanyang “pagkawala.” Nasira daw ang telepono nito kaya hindi siya matawagan o sumasagot sa mga text messages.
“Walang
nangyari po, nasira po ang cellphone ng anti (auntie) ko po."
Ito ay ayon
sa kanyang pamangkin na si Mayet, na siyang nanghingi ng tulong noong July 28 nang
hindi na niya makontak sa telepono si Cely. Gayunpaman, hindi siya nagbigay ng dagdag na detalye kung paano niya nalaman ang tungkol sa sirang telepono ng tiya.
Dagdag pa ni Mayet, mismong siya ay hindi na niya matawagan ang dating numerong gamit ng tiya. Hanggang ngayon ay panay ang ring lang nito, na dumagdag sa palaisipan kung bakit parang ayaw pa ring makipag-usap ni Cely kahit sa mga kamag-anak.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nag-umpisang
mag-alala si Mayet nang hindi na sinasagot ni Cely ang kanyang mga tawag o text
pagkatapos nilang mag-usap noong July 22.
Lalo siyng nangamba nang subukan niyang tawagan ang amo ni Cely sa nagdaang
siyam na taon, at hindi rin ito sumasagot, kahit sa text. Paliwanag niya, nagbakasyon daw ito sa ibang bansa kaya hindi sumasagot sa mga tawag o text.
Ayon naman kay Marites Nuval, lider ng mga grupo ng mga taga La Union sa Hong Kong ay parang hindi kapani-paniwala na nasira lang ang telepono ni Cely dahil kung totoo man ito ay dapat nang pinagawa o inilipat sa ibang telepono ang SIM para makausap man lang ang mga kaanak.
Ipinarating na din ni Nuval kay Welfare Attache Dina Daquigan ang tungkol sa balitang pagkawala ni Cely, at sinabi daw nito na kahit sila sa Overseas Workers Welfare Administration ay hindi makontak ang employer ng OFW.
Pero ilang araw lang matapos humingi ng tulong para mahanap ang kanyang tiya ay agad
na nag text si Mayet at hiniling na tanggalin na ang litrato ni Cely sa The SUN
pero hindi nagawang magpaliwanag.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nauna rito
ay hindi napigilan ni Mayet ang mag-alala dahil may usapan daw silang magkikita
ng tiya noong July 29 pero hindi na niya ito makontak, at wala ding makapagsabi
sa kanila kung nasaan na ito. Pati ang asawa nito at mga anak nito sa Pilipinas
ay wala na ring balita.
Ayon pa kay
Mayet, wala naman silang alam na problema ni Cely dahil maayos ang kalagayan
nito sa trabaho, at katunayan ay kakapirma lang niya ng bagong kontrata sa among
taga Tai Po, at may planong umuwi para magbakasyon ngayong Disyembre.
“Ang
pamilya niya sa Pilipinas worried na,” sabi pa ni Mayet noon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon naman sa mga kababayan nila sa Hong Kong, ang umabot sa kanilang balita ay dalawang linggo nang hindi nakikipag-usap si Cely sa kanyang pamilya sa La Union.
Ganito rin ang kuwento sa lumabas na apela sa Facebook page ng DWC Help, na dalawang linggo nang hindi nagpaparamdam si Cely sa pamilya. Pero agad naman itong pinabulaanan ni Mayet dahil nagkausap pa raw sila anim na araw pa lang ang nakakalipas.
Ang Facebook post ay agad kumalat, dahilan para magtanong-tanong ang mga taga La Union. Ayon kay Nuval, wala daw ni isa sa kanila ang nakakakilala kay Cely, kahit pa ang isa nilang lider na taga Bacnotan, kung saan nakatira ang nawawala.
BASAHIN DITO |
Gayunpaman, patuloy pa rin silang nagbabalitaan at baka sakaling may lumabas na bagong kwento tungkol sa nangyari kay Cely.
Narinig na din daw nila ang tungkol sa nasirang telepono, pero hanggang hindi si Cely mismo ang nagpaabot sa mga kababayan o sa OWWA na ligtas siya ay magpapatuloy daw sila sa pagtatanong-tanong.
Gusto din nilang malaman kung bakit pati ang amo nito ay hindi na makontak, samantalang kahit nasa biyahe ay dapat nababasa din nila ang mga mensaheng iniiwan sa kanila tungkol sa nawawala nilang kasambahay.
Nakatakda na sanang pumunta sa Konsulado ang hipag ni Cely
na nagtatrabaho din sa Hong Kong para pormal na humingi ng tulong nang lumabas
ang balitang hindi naman pala naglaho ang kanilang hinahanap, kundi nasiraan lang ng telepono.
\
PADALA NA! |