Isang buwan na daw nawawala si Janeth Delizo |
May isa na namang Pilipinang domestic helper sa Hong Kong ang binalitang nawawala nitong Linggo.
Ang pangalan ng hinahanap ay Janeth Delizo na isang
buwan na raw hindi makontak, ayon sa pinsan nitong si Jenelyn Dauz.
Sa isang post sa Facebook page ng Social Justice for Migrant Workers,
sinabi ni Dauz na nag-aalala na daw ang mga magulang at anak ni Delizo dahil
kahit ilang beses na daw nilang tinawagan ito ay “cannot be reached” lang ang
nakukuha nilang mensahe.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa WhatsApp naman daw ay walang sumasagot kahit
nagri ring ang telepono nito. Huli daw siyang nakitang “seen” o nagbukas ng
mensahe noon pang June 20.
“North Point lang po ng alam namin na location niya
at hindi po namin alam ang exact address e, sana po may makatulong sa amin na
makontak siya kung sakali po,” sabi ni Dauz. Dagdag niya, hindi din
nila alam ang address ng amo ng pinsang nawawala.
Sinubukan niya na daw magpatulong sa Konsulado sa paghahanap sa pinsan, pero ang sabi ay hindi sila nagbibigay ng impormasyon kundi sa “immediate family member” ng nawawalang overseas Filipino worker, at kailangan pa nilang ipadaan sa Overseas Workers Welfare Administration ang kanilang hiling.
BASAHIN ANG DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kahit man lang daw sana sa anak lang niya ay
makatawag si Delizo para hindi sila nag-aalala.
May ilang nagkomento na baka dinala ito ng amo sa
China, bagamat agad ding nagsabi ang ilan na pwede pa namang makontak ang mga
pumupunta doon. Ayon naman sa ilan ay baka nag “cross country” ito o pumunta ng
ibang bansa para magtrabaho.
Sumang-ayon naman ang isang nagkomento sa
sapantahang ito dahil yung pinsan daw niya na tatlong buwan na nawala ay nasa Norway
na nung nagparamdam.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Nitong July 6 lang ay may isang employer ang nag
post sa isa pang Facebook page dahil sa nawawala daw nitong helper na si Ivy
Christian Diaz Guzman. Nagpaalam itong uuwi ng Pilipinas noong June 30 at
dapat ay bumalik na noong July 5 pero hindi na nila makontak.
Sabi pa ng employer na si “Andy” ay nakita nila sa
CCTV na maayos namang ginawa ni Ivy ang mga dapat gawin sa kanilang bahay bago
umalis para sa kanyang bakasyon. Pero yun na ang huling beses na nakita nila
ito.
Ayon sa pinakahuling balita ng employer, hanggang
ngayon ay wala pa rin silang balita tungkol sa Pilipina na dati nang nagtrabaho sa
kanila ng dalawang taon bago umuwi sa Pilipinas, at nagbalik mga anim na buwan
pa lang ang nakakalipas.
Mismong ang employment agency nila ay hindi raw
makontak si Guzman sa Pilipinas. Ang mga pulis naman at Immigration Department
ay wala din daw bagong impormasyong maibigay sa kanya.
PADALA NA! |