Ang gusali sa Broadway, Mei Foo, kung saan pumapasok si Rhonna bago mawala |
Ingat lang sa mga
nagpo post na naghahanap ng employer dahil baka matapat kayo kay “Rhonna Reyes.”
Ito yung matagal nang
nirereklamo ng ilang mga Pilipinang domestic helper sa Hong Kong dahil pagkatapos
silang alukin ng amo at kuhanan ng mula $2,000 hanggang $3,000 ay bigla na lang
mawawala.
Ang laging gamit ng
scammer para kontakin ang mga biktima ay ang Facebook account sa pangalang “Rhonna” o “Rhona”
Reyes. Ito daw ay isang Pilipina na edad 40 pataas, maliit, at malumanay kung magsalita
kaya agad silang napapaniwala.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kapag nakipagkita sa
kanila ay may dala na itong kontrata na pirmado kunyari ng among ibibigay. Ipapakausap
pa daw sa kanila sa telepono ang isang Intsik na nagpapakilalang employer na kailangan
na agad ng helper kaya lang ay abala, kaya walang oras makipagkita.
Pagkatapos ay
hihingan na sila ng paunang bayad para sa pagproseso ng kanilang kontrata,at
sasabihin na ibabalik din ito sa kanila kapag lumabas na ang kanilang visa.
Pero pagkatapos na makuha ang kanilang pera ay hindi na ito makokontak sa
messenger o sa telepono.
Ang pinakahuling
lumantad para magreklamo ay si Irene R., na nagpadala ng mensahe sa The SUN
para tanungin kung paano niya mahahabol si Rhonna na hindi na niya makontak
matapos siyang kunan ng pera noong Linggo, July 2.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Patapos na sa kanyang
kasalukuyang kontrata si Irene nitong July 30 kaya naisipan niyang mag post na
naghahanap siya ng lilipatan. Agad siyang nakatanggap ng mensahe mula sa
Facebook account ni Rhonna Reyes na nagtanong kung may nakuha na siyang amo dahil
gusto daw nitong tumulong.
Ayon kay Rhonna,
kailangan ng kapatid ng amo niya ng helper, at pipirma na agad kaya pumayag
si Irene na makipagkita dito sa Mei Foo MTR station. Sa may exit D daw sila
nagkita pero dinala siya sa may malapit sa exit C.
Doon ay sinabi ni
Rhonna na kailangang magpaluwal muna si Irene ng $2,200 na pang-abono sa
pag-aayos ng kanyang kontrata dahil busy pa ang among kukuha sa kanya.
Dahil wala siyang barya ay umabot lang sa $2,160 ang naibigay ni Irene sa kanya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Sabi kasi ako muna
ang magbabayad pero i-refund naman daw pag nagka visa na ako,” sabi ni Irene.
Pero pagkatapos
nilang maghiwalay ay hindi na siya sinasagot ni Rhonna sa messenger at pati sa numero ng telepono na binigay sa kanya.
“Nagri ring ang cp nya at naka online palagi ang FB
account niya pero di siya sumasagot,” sabi ni Irene.
Nagdesisyon siyang magreklamo na sa pulis at makipag-ugnayan sa iba pang biktima ni Rhonna na matagal nang may chat group kung saan sila nagpapalitan ng impormasyon tungkol sa scammer, at pati ng litrato nito.
Litrato ni Rhonna na mula sa isang biktima |
Karamihan sa kanila ay sa Mei Foo pinapunta ni Rhonna, na ayon
sa biktimang si Rose, ay Annabelle daw ang tunay na pangalan, at nasukol ng
isang niloko niya sa WorldWide House kaya napilitang magsauli ng pera.
Bukod sa MTR ay pinapapunta din ang mga nabibitag niya sa
labas ng no 25 Broadway, Mei Foo, kung saan sila hinihingan ng pera. Pagkatapos nito ay papasok na siya sa loob ng building, pero hindi na muling
makikita.
Karamihan sa mga
biktima ay mga na terminate at desperadong makakuha ng bagong amo sa loob ng 14
araw na palugit na bigay ng Immigration, kaya madaling napaniwala. Kapag
napapirma niya sa pekeng kontrata ay papayuhan silang umuwi na sa Pilipinas at
doon na maghintay ng kanilang visa.
BASAHIN DITO |
Ganito ang nangyari
kay Bea kamakailan, na panay ang paghihimutok ngayon dahil pumayag siyang umuwi
agad matapos makipagkasundo kay Rhonna sa halagang $2,500 noong June 25 lang.
Kabilang din sa mga
umuwi si Irene na kinontak ni Rhonna noong Enero matapos mag post sa isang
online recruitment agency tungkol sa paghahanap niya ng employer. Ayon daw kay
Rhonna ay inutusan siya ng employer na makipag-usap sa kanya dahil kamamatay
lang ng asawa nito at walang oras makipagkita.
Dinalhan siya ni
Rhonna ng kontrata na pirmado ng employer at hiningan ng $2,600 at ibabalik na
lang daw sa kanya kapag nakabalik na siya sa Hong Kong.
“Nagtiwala ako kasi
Pinay ang kausap ko, Rhona Reyes ang FB account niya,” sabi ni Irene sa kanyang
post noong Pebrero, na humihingi ng tulong.
“Pero until now, one
month and one week na ako nag-aantay, wala, di ko na sila makontak. Sana po may
makatulong sa akin na makuha ko ang pera ko.”
Sa ngayon ay mahigit
10 biktima na ng parehong grupo na ang gamit ay ang Facebook account ni Rhonna
o Rhona Reyes, ang nag-uusap at balak na magsumbong sa pulis nang sabay sabay
para mapahuli siya.
Pero hindi sa lahat
ng sandali ay nakakaloko si Rhonna. Kamakailan ay may nag post sa isang
Facebook page ng mga naghahanap ng trabaho sa Hong Kong tungkol sa naunsyaming
pagsubok ni Rhonna na mang scam ulit.
Ayon sa post ni D’Moom
Sun, nag post daw sya sa Facebook page na terminated sya, at agad na may nag-alok
sa kanya ng amo na isang Pinay na “matanda na”. Nakipagkita daw sa kanya ang
Pinay dala ang kontrata na pirmado na, at sa harapan niya ay tinawagan pa
kunyari ang amo sa telepono.
Pero nang sabihin ng
recruiter na kailangan niyang magbigay ng $2,500 ay hindi siya pumayag.
“Sabi
ko, ate mahirap magtiwala sa panahon ngayon na kalat na (ang manloloko na)
kapwa pa Pinoy,” sabi niya. Dagdag pa niya, bakit daw kaya may mga kapwa Pinoy
na gusto ng “easy money.” Terminated na nga daw ang kapwa e lolokohin pa.
“Alam natin na mahirap kitain ang pera, ang hirap magkuskos
ng inidoro, tapos magbigay ka ng $2,500?”, pagtatapos niya.
Ang iba pang biktima ni Rhonna na gustong magreklamo ay pinapayuhang dumulog sa Sham Shui Po Police Station na syang may sakop sa kaso.
PADALA NA! |
CALL US! |