Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mag-amo, kinasuhan ng pagtatakip sa ilegal na pagmamaneho ng DH

02 July 2023

Ang panulukan kung saan nahuli ang mag-amo

Nang sitahin ng pulis ang isang sasakyan sa Sai Kung noong May 17, inakala niyang isang simple at maliit na kaso lang ito ng paglabag sa batas-trapiko.

Pero nang lapitan niya ang sasakyan at biglang naging babae ang nakaupo sa driver’s seat – imbes na lalaki na una niyang nakita -- naging kasong criminal ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Sa Kwun Tong Courts noong Biyernes (June 30), binasahan ng tigatlong kaso ang Pilipinong si Rejie Bancaya, 42 taong gulang na domestic helper, at ang kanyang among si Annka Yeung, 67 taong gulang na retiradong Intsik.

Nahuli ang dalawa sa panulukan ng Tai Ming Tsai Road at Yau Yee Road sa Sai Kung.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang unang kasong isinampa kay Bancaya ay “attempt(ing) to pervert the course of public justice” o pagtatangkang pigilan ang makatarungang pag-aresto sa kanya dahil pinalipat niya sa driver’s seat ang among pasahero.

Ito ay paglabag sa Section 159G ng Crimes Ordinance.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kinasuhan din siya ng pagmamaneho nang walang lisensiya, na paglabag naman sa Road Traffic Ordinance.

Ang ikatlong kaso niya ay pagmamaneho ng sasakyan na walang third party insurance, na hinihingi ng Motor Vehicle Insurance (Third Party Risks) Ordinance.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa batas, ang insurance ang dapat sumagot sa dapat na bayarin kung maaksidente siya at makapaminsala o makapanakit.

Ang amo niya namang si Yeung ay kinasuhan din ng pagtatangkang pigilan ang makatarungang pagpapatupad ng batas, at pagpayag na imaneho ang kanyang kotse na hindi naka-insure, ng isang hindi lisensiyadong driver.

BASAHIN DITO

Pinayagan ang mag-amo na mag piyansa -- $1,500 para kay Bangcaya at $10,000 para kay Yeung - hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso sa Aug. 25.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss