Ang listahan ng mga serbisyo sa ilalim ng Care to Caregivers |
Libreng kunsultasyon sa problema sa trabaho, tamang paghawak sa kinikita, masahe, acupuncture, blood at glucose test.
Ito ay ilan lang
sa mga serbisyong maaaring makamtam ng libre ng mga migranteng manggagawa ngayong
Linggo, July 8, sa Chater Road, Central, mula 10am hanggang 5pm, hatid ng
Mission for Migrant Workers.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Bahagi ito ng
programang “Care to Caregivers” na ilang taon nang isinasagawa ng Mission para
kahit sa isang Linggo man lang ay maramdaman ng mga migrant domestic workers
(MDW) na sila ang pinagsisilbihan at inaalagan ng ibang tao.
Sa ilalim ng
programang ito ay pupunta ang ilang mga case workers ng Mission kabilang ang
general manager nilang si Cynthia Tellez at si Edwina Antonio ng Bethune House
Migrant Women’s Refuge para sagutin ang mga tanong ng mga MDW na may kinalaman
sa kanilang pagtatrabaho sa Hong Kong.
Nagbibigay din sila ng payo sa mga MDW na may problemang pampamilya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang Give Care to Caregivers ay isinasagawa ng Mission o MFMW tatlo hanggang apat na beses isang taon, na natigil pansamantala noong panahon ng pandemya.
Nakikipagsanib-puwersa
sila sa iba-ibang grupo na nagbibigay ng serbisyo para mapasaya kahit sa isang
maghapon lang ang mga migranteng manggagawa sa Hong Kong.
May parangal din para sa mga nanalo sa patimpalak sa tula |
Sa taong ito ay paparangalan din ng Mission ang mga nanalo sa patimpalak sa pagtula na inilunsad nila bilang bahagi ng kanilang proyektong Happy Homes, na nagbibigay-parangal sa mga employer na nagpapahalaga at nagkakalinga sa kanilang mga MDW.
BASAHIN DITO |
Ilulunsad din ang Coins for Bethune House, isang fund raising para sa Bethune House Migrant Women’s Refuge, ang bahay-kanlungan ng Mission para sa mga MDW na nahaharap sa pagsubok.
Kahit sa pamamagitan ng barya-baryang pagtulong ay inaasahan ng Bethune House at ng Mission na makakabuo ng sapat na pondo para maitawid ang pangangailangan ng mga migranteng nangangailangan.
PADALA NA! |
CALL US! |