Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kulong para sa Pilipinang nanakit ng alaga

14 July 2023

 

Sa July 28 ang pagpataw korte ng parusa sa Pilipina

Pinagsabihan ng mahistrado sa Eastern Court kanina ang isang Pilipina na hindi niya maiiwasan ang mabilanggo matapos niyang umamin na sinaktan niya ang kanyang alagang babae na isa at kalahating taong gulang.

“Napakaseryosong kaso ito,” sinabi ni Magistrate Philip Chan sa English at isinalin sa Tagalog, kay Florena Dulla, 53 taong gulang.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ipinagpaliban ni Magistrate Chan ang pagpataw ng parusa kay Dulla sa July 28 para sa background check at panonood ng CCTV video na nagpapakita ng insidente, upang gawing basehan ng sentensiya.

Inutos rin niyang ibalik si Dulla sa kulungan.

Pindutin para sa detalye

Inamin ni Dulla na pinalo niya ng kamay nang tatlong beses ang bata matapos itong mahulog sa sofa, at pagkatapos ay inihagis niya pabalik sa sofa.

Ang pananakit ay nangyari sa bahay ng amo ni Dulla sa Ap Lei Chau bandang 8pm noong June 20.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nalaman ng mga amo ang nangyari nang ikuwento ito ni Dulla mismo at humingi ito ng patawad, kaya nirepaso nila ang CCTV video at nakita ang pananakit.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa kanyang paghiling kay Chan na magpataw ng magaang na parusa, sinabi ng abogado ni Dulla na sa 15 taon na pag-aalaga ng bata ng Pilipina sa Hong Kong ay ngayon lang ito nakapanakit, at nagawa lang niya iyon para idisiplina ang bata at nang hindi na ito ulit mahulog sa sofa.

BASAHIN DITO

Dahil sa pagsisisi sa nagawa ay nag-resign si Dulla sa trabaho at nawalan ng buwanang suweldong $6,000.

Bukod dito ay nakatatlong linggo na siya sa kulungan at ang gusto na lang niya ay makauwi sa Pilipinas upang maalagaan ang kanyang inang 83 taong gulang.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss