Ang lugar na pinangyarihan ng pagnanakaw. |
Itinaas sa District Court kaninang umaga ang kaso ng dalawang Pilipinang akusado ng pagsasabwatan sa pagnanakaw ng mga relo at alahas ng kanilang amo sa Kowloon City, matapos dagdagan ang listahan ng mga ninakaw.
Itinakda ni Principal Magistrate Don So ng Kowloon City Courts
ang pagdinig ng kaso nina Bernadette Paranas, 39 taong gulang, at Gina Quinones,
35, sa District Court sa August 8.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pinayuhan niya ang dalawa na humingi ng tulong sa Legal Aid,
dahil ito ay kanilang karapatan, upang maipagtanggol ang kanilang sarili laban
sa mga akusasyon.
Ibinalik sila sa kulungan dahil wala silang hiling na
payagang mag-piyansa. Ipinahiwatig din ng taga-usig na hahadlang sila kung hihiling
silang palayain pansamantala.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nauna nang kinasuhan ang dalawa ng pagsabwatan sa pagnanakaw
ng isang storage box, isang kahon para sa relo, 23 relo, 2 pendant, 10
pulseras, at isang briefcase na pag-aari ng kanilang among lalaki at
nagkakahalaga ng kabuuang $2.7 million.
Naganap ang pagnanakaw sa bahay ng kanilang amo sa Sheung
Shing Court sa Kowloon City sa pagitan ng May 1, 2021 at Dec. 1, 2022.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa pagdinig kanina, nadagdagan ang listahan ng mga ninakaw.
Si Paranas ay inakusahang nagnakaw ng isa pang singsing
noong Aug. 8, 2022 sa lugar ding iyon.
Si Quinones naman ay sinampahan ng tatlo pang kaso.
Inakusahan siyang nagnakaw ng isang relo na pag-aari ng
kanyang among babae noong May 2022.
BASAHIN DITO |
Noong Oct. 7, 2022, ninakaw umano niya ang isa pang relo ng
kanyang among lalaki.
Noong Nov. 27 ay ninakaw naman umano niya ang isang singsing
ng amo niyang babae.
Ang lahat ng akusasyon ay paglabag sa Theft Ordinance at
Crimes Ordinance.
PADALA NA! |