Pinakahuling mapa ng PAGASA na nagpapakita sa namumuong bagyo sa Mindanao |
May isa na namang bagyo na namumuo sa Mindanao ang maaring tumama ulit sa Hong Kong, ayon sa HK Observatory, isang araw lang magmula nang itaas ang T8 sa siyudad dahil sa paglapit ni Typhoon Talim.
May 50 porsyento daw na tumama ang bagyo sa Hong Kong
sa darating na linggo, na maaring magsanhi ng muling pagtaas ng signal no 8.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon naman sa pinakahuling balita sa Pilipinas, ang
“tropical cyclone” ay maaaring pumasok sa bansa sa loob ng 24 hanggang 48 na
oras, at papangalanan itong Egay kung sakali.
Inaasahang mananatili ito sa Pilipinas sa darating na mga araw
bago umusad sa bandang hilagang parte ng South China Sea, kabilang ang Hong Kong,
sa susunod na linggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kapag nangyari ito ay magiging mahangin at maulan
muli sa Hong Kong sa bandang gitna ng darating na linggo.
Pindutin para sa detalye |
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Kok Mang-hin
ng Observatory na hindi pa rin malinaw kung magtutuloy sa kasalukuyang
direksyon ang namumuong bagyo, pero may posibilidad na ito ay malakas, na
magsasanhi ng pagtaas muli ng T8 sa darating na Martes o Miyerkules.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sabin ni Kok, sa mga nakikita sa “computer
simulation” sa ngayon, malakas ang bagyong parating, at lalapit ito sa Hong
Kong.
Sa pinakahuling anunsyo naman ng PAGASA o
Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration,
nasa 890 kilometro ang layo ng namumuong bagyo sa bandang kanluran ng
northeastern Mindanao.
BASAHIN DITO |
Ang bagyong Egay ang panlimang bagyo na tumama sa Pilipinas sa taong ito.
PADALA NA! |