Si Cely Espero ay huling nakausap ng kanyang pamangkin noong Sabado |
May isa na namang Pilipina ang ibinalitang nawawala sa Hong Kong – ang ikatlong domestic worker na bigla na lang tumigil sa pakikipag-ugnayan sa mga kaanak sa loob ng nakaraang tatlong linggo.
Pero taliwas sa
dalawang nauna nang ibinalita na nawawala, si Cely Espero ay 52 taong gulang na,
at matagal nang nagtatrabaho sa Hong Kong. Nasa panglimang kontrata na siya sa
kasalukuyang amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang dalawa na
naunang naibalita na nawawala, sina Ivy Guzman at Janeth Delizo ay parehong
solong magulang sa kani-kanilang mga anak at mas bata kay Cely, kaya marami ang
nagsasapantaha na lumipat lang ang mga ito sa ibang bansa para magtrabaho.
Sa kaso ni Cely
ay wala daw itong problema sa trabaho, sabi ni Mayet, na nagpakilalang
pamangkin niya. Katunayan ay kakapirma lang niya sa bagong kontrata sa kanyang amo na taga Tai Po, at
nakatakdang umuwi para magbakasyon ngayong darating na Disyembre.
Pindutin para sa detalye |
Ayon pa dito ay
huli niyang nakausap si Cely noong Sabado, July 22, at wala naman daw itong
nabanggit na kakaibang pangyayari. Maayos naman daw ang samahan ni Cely at ng
kanyang asawa at pati ang kanilang tatlong anak.
Ang
nakapagtataka lang, ayon kay Mayet, ay pati ang amo ni Cely ay hindi nila
makontak. Ilang beses na silang sumubok na tawagan o padalhan ito ng mensahe,
pero hindi sumasagot at mukhang hindi din nagbubukas ng telepono.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Ang pamilya niya sa Pilipinas worried na,”
sabi ni Mayet, na humingi na din ng permiso sa mga anak ni Cely na ipalabas ang
litrato nito para mas mapadali ang paghahanap sa kanya.
Sinubukan na daw
niya na humingi ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration, pero
sinabihan siya na ang mga malalapit na kaanak lang ang dapat nilang tugunan
tungkol sa mga pribadong detalye ng isang OFW.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nitong darating
na Linggo ay pupuntahan na daw ng personal ng isang hipag ni Cely na
nagtatrabaho din sa Hong Kong ang Konsulado para makipagtalastasan.
Sa ngayon ay
umaasa sila na baka may nakaaalam ng kinaroroonan ni Cely at makumbinsi ito na
tawagan ang asawa at mga anak sa La Union nang maliwanagan kung bakit bigla itong naglaho.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
May mga
nagpaabot na rin ng pakiusap sa isa sa mga kilalang OFW lider mula sa La Union
na si Marites Nuval na tulungan silang mahanap si Cely.
“Nagtanong na ako
sa gc (group chat) namin dahil naibalita po pero walang nakakakilala.
Naireport ko na rin sa OWWA,” sabi ni Nuval.
BASAHIN DITO |
Sagot daw sa kanya ng welfare attaché na si Dina Daquigan ay wala pa silang natatanggap na report tungkol kay Cely.
Pinagtanong na din daw niya sa mga taga Bacnotan, La Union
kung saan nakatira si Cely, pero wala daw nakakakilala sa kanya.
“Pero patuloy pa rin po kaming magtatanong,” dagdag ni Nuval.
PADALA NA! |