Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Iba pang biktima ng sinasabing ‘scammer,’ lumantad

19 July 2023

 

Ang 5 Pilipino na nagreklamo sa Tai Po police laban kay Anilao noong Pebrero

Nagbunyi ang ilang mga Pilipino sa Hong Kong nang maibalita ng The SUN kamakailan na naaresto at kinasuhan sa korte ang itinuturo nila na kumuha din ng malaking halaga sa kanila pero hindi naibigay ang pangakong trabaho sa kanilang mga kaanak sa Pilipinas.

Sabin ni Janelyn, “Finally! Sana maibalik mo din ang mga perang nakuha mo sa amin.”

Ayon kay Janelyn, umabot sa P440,000 ang nakuha ng itinuro niyang nanloko din sa kanya at mga kaanak niya na si Jenalie Anilao, na sinampahan ng kaso sa Fanling Court noong June 30.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Inalok daw kasi sila ni Anilao ng mga trabaho bilang domestic helper, gardener at maintenance cleaners, na pawang mga lalaki ang kailangan.

Kasamahan nila ito sa boarding house dati kaya sila nagtiwala. Ayon sa kuwento ng akusado, ang mag-aayos daw ng papeles ng mga aplikante ay isang kaibigan niya na may asawang Briton.

Ayon kay Janelyn, lima silang nagbayad kay Anilao kapalit ng pangako nitong trabaho na tagalinis at taga paandar ng yate. Ang ibinayad daw niya kay Anilao ay $17,000, samantalang ang mister at bayaw niya ay $28,000 at ang ate nya at pamangkin ay P125,000 naman.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pagkatapos makuha ang kanilang pera ay lagi daw nagdadahilan si Anilao na delayed ang training at flight ng kanilang mga aplikante. Bandang huli ay tumakas ito sa kanilang boarding house.

“Ayun, itinakbo po ang perang hindi niya pinaghirapan at kami ngayon ang nagpapakahirap para makabangon ulit,” sabi ni Janelyn.

Lima daw silang mga biktima na nagsumbong sa Taipo police station noong Feb. 26 pero isa lang ang tinawagan kalaunan para mag report sa mga imbestigador sa Wanchai station. Ang tinawag niyang si Mrs B ay suportado ng amo kaya kahit inabot ng gabi sa istasyon ng pulis ay nagawa nitong ikumpleto ang kanyang salaysay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Pero hindi lang daw ang $28,000 na nasa sakdal laban kay Anilao ang nakuha nito mula kay B, dahil marami itong mga kaanak na nagbayad. Sa tantiya ni Janelyn, aabot ng P700,000 o mahigit pa ang naibayad ng grupo ni B sa akusado.

Kasama diumano sa mga biktiman ni Anilao ay ang isang may cancer na inalok niya ng bagong amo, at kinuhanan ng pera. Pero nang matapos ang kontrata nito sa dating amo ay nalaman niyang peke ang bagong employer na inalok ng akusado.

Sana daw ay matuloy ang bakasyon ng kanyang mga amo sa buwang kasalukuyan para makapag report din siya sa Wanchai Police at maisama ang reklamo niya sa mga kaso laban kay Anilao.

BASAHIN DITO

Ang isa pang nag komento sa istorya ng The SUN ay si Maryden, na nawalan naman daw ng $15,000 dahil sa panloloko ni Anilao, na ipinakilala sa kanya ng isang pinsan.

“Maibalik mo lang yung perang pinaghirapan namin, malaking tulong na yun sa aming niloko mo. Nang dahil sa iyo, nagkabaon-baon kami sa utang. Grabe ka, wala kang puso sa kapwa mo Pilipino," sabi ni Maryden.

Si Anilao, 40 taong gulang, ay nahaharap sa kasong “obtaining property by deception” o pagkuha ng ari-arian mula sa ibang tao sa pamamagitan ng panloloko.

Hindi siya pinagpiyansa, at nakatakdang bumalik sa korte sa Aug. 25 habang binubuo ng taga-usig ang kaso laban sa kanya. 

Ayon sa sakdal, inalok ni Anilao si B na ihahanap ng trabaho ang asawa nito kapalit ng bayad na $28,500 bilang referral fee.

Hinulug-hulugan ito ni B mula Aug. 15 hanggang Nov. 19, 2022 sa isang flat sa Tai Po sa New Territories.

Pero nang mabuo na ni B ang bayad, hindi na mahagilap si Anilao, kaya nagreklamo ito sa pulis.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!


Don't Miss