Lugar kung saan inaresto ang Pilipino (Google Maps photo). |
Isang araw ang itinagal ng paglilitis kanina sa Shatin Courts ng kaso ng isang Pilipinong inakusahan ng pagtatrabaho nang labag sa batas.
Itinanggi ni Froilan Relon, 46 taong gulang, na nagtrabaho siya sa isang hotel sa Sai Ying Pun na pinagbabawal sa ilalim ng mga kondisyon ng kanyang paglalagi sa Hong Kong bilang domestic helper.
Itinakda ni Magistrate Amy Chan ang pagbasa ng kanyang hatol sa Aug. 22. Hanggang sa takdang araw ay nakakalaya si Relon sa bisa ng piyansang $4,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dumating si Relon sa Hong Kong noon lang Jan. 27 at
pinayagan siyang manirahan sa kondisyong magtatrabaho lamang siya bilang
domestic helper ng isang Ko Ka-kan.
Pero noong Feb. 15 ay nahuli siya ng mga Immigration officer
habang nagtatrabaho sa hotel sa 199 Queen’s Road West sa Sai Ying Pun at agad
sinampahan ng kaso.
Ang kaso niya ay “Breach of condition of stay”, na ipinaliliwanag
ng Section 41 ng Immigration Ordinance at Regulation 2 ng Immigration Regulations.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa Section 41, ang parusa dito ay multang aabot sa
$50,000 at pagkabilanggo ng hanggang dalawang taon.
May matagal nang kampanya ang
Immigration Department laban sa ilegal sa pagtatrabaho, na may kasabay na
pagbabanta ng mabigat na parusa sa mga lumalabag.
Ang pinakahuling naparusahan sa
kasong gaya nito ay isang Sri Lankan, 46 taong gulang na asylum-seeker.
BASAHIN DITO |
Nadampot siya ng mga Immigration officer
na nagsagawa ng Operation Powerplayer noong April 24, at kinasuhan ng
pagtatrabaho nang ilegal habang may deportation order laban sa kanya.
Pagkatapos ng paglilitis sa Shatin Courts, nahatulan siya noong July 6 ng 22 buwan at dalawang linggong pagkabilanggo.
PADALA NA! |