Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bilang ng mga nagpapakamatay, pinakamataas mula noong 2007

30 July 2023

477 sa mga biktima ay edad 60 pataas, ang pinakamarami sa nagdaang 49 na taon 

Umabot sa 1,080 katao ang nagpakamatay noong nakaraang taon, ang pinakamataas na bilang sa nagdaang 15 taon, ayon sa Samaritan Befrienders.

Ibig sabihin, 14.73 sa bawat 100,000 katao ang kinitil ang sariling buhay noong nakaraang taon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa grupo na nagbibigay-payo sa mga dumaranas ng depresyon at mga nag-iisip na magpatiwakal, ang datos ay galing sa Coroner’s Court.

Halos kalahati, o 477 (44%), ng mga biktima ay edad 60 pataas, ang pinakamataas na bilang simula noong 1973, o 49 taon na ang nakakaraan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mas marami, o 60 porsyento ng mga nagpakamatay, ay mga lalaki. Umabot sa 676 ang mga lalaking biktima, samantalang 404 naman ay mga babae.

Ayon sa Befrienders, ang pagdami ng mga may edad na nagpapatiwakal ay maaring dahil din mas mahaba ang buhay ng mga tao sa Hong Kong ngayon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Posible din na ang mga problemang dinulot ng pandemya, kabilang ng pagbagsak ng kakayahang kumita o makisalamuha sa mga kaibigan, ang nagtulak sa ilang may edad na tapusin ang kanilang buhay.

Gayunpaman, tumaas din ang bilang ng mga nagpakamatay sa mga kabataan na nasa mga edad na 20, at yung mga edad 50.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kasama sa talaan ang ilang mga migranteng manggagawa na hindi na nakayanan ang mga problema sa trabaho at pamilya.

Kasabay ng kanilang pahayag ay umapela ang Befrienders sa mga dumaraan sa matinding pagsubok na humingi ng tulong, kundi sa mga kaibigan ay sa mga doktor at espeyalista.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang mga taong nakapaligid naman sa kanila ay dapat silang tulungan at huwag kutyain.

Nanawagan din ang grupo sa gobyerno na maglaan ng dagdag na pondo at tao para matulungan ang mga dumaranas ng problema sa pag-iisip.

BASAHIN DITO

Paliwanag nila, 67 sa mga nag suicide ay may sakit sa pag-iisip, at ayon sa isang ulat ng World Health Organization, depresyon ang kadalasang sanhi nito

Tinatayang 3.8 porsyento ng lahat ng mga tao sa buong mundo ay nakakaranas ng depresyon. Kapag may kundisyong ganito ang isang tao ay tumataas ng mula 15 hanggang 20 beses ang posibilidad na magtangka silang magpakamatay.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss