Muling humarap sa Eastern Court ang Pinay na akusado ng panggagantso |
Hindi itinuloy kanina ang pormal na pagpapahayag ng Pilipina kung inaamin
o tinatanggihan niya ang akusasyong nanloko siya ng kapwa Pilipina nang mag-alok
siya ng mas murang iPhone, na hindi niya ibinigay matapos mabayaran siya nang
buo.
Nang malaman ng kanyang abogado na may pagbabago sa kasong isinampa
laban kay Lerma Ann Larosa, 32 taong gulang na walang trabaho at walang permanenteng
tirahan, humingi ito ng isa pang pagdinig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Itinakda ito ni Eastern Courts Principal Magistrate Ivy Chui
sa Aug. 15.
“Sa susunod na pagdinig ay dapat handa ka nang umamin o
tumanggi,” ika ni Chui.
Inutos rin niyang ibalik sa kulungan si Larosa.
Pindutin para sa detalye |
Ayon sa asunto, sinabi niya sa biktimang si Jay Ann L., na
may kaibigan siya sa Apple Store na makukunan ng isang iPhone 13 Pro Max sa
discounted na halagang $6,800. Ang presyo ng modelong ito sa ilang online store
ay nagsisimula sa $9,399.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isa sa mga pagbabago sa kaso, na inilahad ng taga-usig nang
basahin ulit kanina ang akusasyon kay Larosa, ay ang pagdaragdag ng paraan ng
pagbabayad kay Larosa. Nilipatan daw siya ni Jay Ann ng dalawang hulog sa
kanyang Alipay at WeChat account mula March 15 hanggang March 21.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Hindi na rin nabanggit sa bagong akusasyon na nangyari ang
transaksyon sa Pier 3 sa Central noong March 18 at 21, at nagpunta si Larosa sa
Macau matapos makuha ang bayad.
Dahil daw hindi ibinigay ni Larosa ang nabiling iPhone kahit bayad
na, nagreklamo ang biktima sa pulis at siya ay inaresto pagbalik mula sa Macau.
BASAHIN DITO |
Ang kasong isinampa laban kay Larosa ay "fraud", na paglabag sa Section
16A(1) ng Theft Ordinance, na ang kaparusahan ay pagkakakulong na aabot
hanggang 10 taon.
PADALA NA! |
CALL US! |