Pinapakita sa mapa ang paglakas ng bagyo (pula) habang lumalapit sa Pilipinas (Google maps) |
Ang bagyong Doksuri ay patuloy na lumalakas habang papalapit sa Luzon Strait at maaring maging super typhoon nitong Martes ng hapon bago dumaan sa Hong Kong, ayon sa Observatory.
Huling namataan ang bagyo sa layong 520 km sa
bandang hilaga ng Maynila, at tinatayang tumatahak sa lakas ng 195km bawat
oras. Ibig sabihin, maaring maging super typhoon ito habang binabagtas ang baybayin
ng Pilipinas patungo sa Batanes.
Ayon sa Observatory, ang bagyong Doksuri (agila sa
salitang Korean) ay maaring mapunta sa Taiwan mula sa Pilipinas, o lumihis
papunta sa baybayin ng Guangdong, kabilang ang Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinag-aaralan pa nila kung dapat bang itaas ang
signal no 1 sa Hong Kong sa Miyerkules dahil lalapit daw ang bagyo sa
distansyang 800 km papasok ng Hong Kong.
Kapag lumayo ito papuntang Taiwan ay lalo pa daw
iinit sa Hong Kong, pero kapag dumiretso ito sa Guangdong ay maaring dumalas
ang pag-ulan na may kasamang malakas ng hangin dito.
Sa kasalukuyan ay nanatiling mainit sa Hong Kong at
iba pang parte ng southern China dahil sa mainit na hanging dala ni Doksuri.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Pinapayuhan ng Observatory sa mga nagpaplanong
bumiyahe papauntang Taiwan, Fujian at Guangdong na pag-aralan muna ang takbo ng
panahon at baka sila maipit sa biglang pagsama ng panahon.
Noong isang linggo lang ay itinaas ang signal no 8
sa Hong Kong dahil sa paglapit ng malakas na bagyong Talim, at tumagal ito ng mahigit
15 oras. Ito ang unang bagyong tumama sa Hong Kong sa taong kasalukuyan.
PADALA NA! |