Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Bagyong kaaalis ng Pilipinas, mararamdaman na sa HK

15 July 2023

Inaasahang takbo ng bagyo (photo: Pagasa).

Mapapawi n ang mainit na panahon sa Hong Kong at mapapalitan ng tag-ulan bukas dahil paparating na ang makakapal na ulap na dala  ng bagyong Dodong (o Talim) na kaaalis lang nitong umaga sa baybayin ng Pilipinas.

Ayon sa Hong Kong Observatory, magiging maulan at mahangin mula bukas (Linggo) hanggang sa susunod na Linggo lalo at ang papalapit na bagyo ay inaasahang maging Typhoon Talim sa madaling araw ng Martes.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Itinaas kanina ang Tropical Cyclone Signal No. 1, pero hindi inaasahan na lalapit ang bagyo sa loob ng 500 kilometro mula sa Hong Kong.

Gayunpaman, nagbabala ang Observatory na magiging maulan mula bukas dahil dala ng bagyo ang mga ulap na bumubuo sa Southwest Monsoon at magiging maalon ang karagatan sa paligid ng Hong Kong.

Pindutin para sa detalye

Naglabas din ito ng mga paalala para makapaghanda ng mga tao sa pagsungit ng panahon, gaya ng:

Siguruhing maayos isara ang mga pinto at bintana.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

  • Humandang lumikas kung nasa mababang lugar dahil sa baha na magiging result ng malakas na ulan.
  • Huwag munang magpunta at maligo sa mga baybayin, dahil malalaki ang alon.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

  • Makinig sa TV at radio, ay bumisita sa website ng Observatory para sa pinakasariwang balita tungkol sa lagay ng panahon.
  • Samantala, umuusad ang Dodong sa West Philippine Sea patungong  South China, at habang papalayo sa Pilipinas ay lumalakas ang hangin.

BASAHIN DITO

Inaasahan itong maging typhoon bandang 2am ng Martes, mga tatlong oras bago ito humampas sa Zhanjiang, China,  sa kanluran ng Hong Kong.

Kung nagbabadya ang bagyo sa Hong Kong, iniwan naman nitong lubog ang malalawak na lugar sa Pilipinas at nagsanhi ng bilyon-pisong pinsala sa mga pribadong ari-arian, pananim at mga daan, tulay at iba pang  pasilidad na pampubliko.

Humina na ang pagbugso ng hangin, pero patuloy pa rin ang ulan sa karamihang bahagi ng Pilipinas na nagsasanhi ng malawakang pagbaha, ayon sa Pagasa (Philippine Astronomical, Geophysical, and Atmospheric Services Administration).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

CALL US!

Don't Miss