|
Isa itong pagsasanay pangkabuhayan mula sa Kasambuhay |
Bukas, July 9, ay isasagawa ng grupong Kasambuhay
Hong Kong Foundation ang pagtuturo ng paggawa ng mga palamuting alahas sa
Rooftop ng Harcourt Garden sa Admiralty, (malapit sa exit E ng MTR), mula 9:30
hanggang 11 ng umaga.
Bahagi ito ng kanilang pagbabahagi ng mga pwedeng
pagkakakitaan, lalo na ng mga nagbabalak nang umuwi sa Pilipinas, o kaya ay
mapaglilibangan man lang.
Kahit sinong migranteng manggagawa ay maaaring
sumali sa pagsasanay na ito, bagamat dahil maliit ang lugar na pagdarausan, ay
gagawing first-come, first-served ang pagpapalista. Para makasiguro na
makakasama sa pagtuturo ay sikaping dumating nang maaga.
Ang Kasambuhay ay itinatag ng dating pamunuan ng
Card OFW Hong Kong para gabayan ang mga migranteng manggagawa sa wastong
paggamit ng kanilang sahod, pag-iipon at pagnenegosyo sa tamang pamamaraan.
Kasama din sa kanilang ibinabahagi ang pagkakaroon
ng livelihood skills o kaalaman na maaring magamit para sa paghahanapbuhay.
Para sa dagdag na impormasyon, mangyari lang na
bisitahin ang kanilang Facebook page, Kasambuhay Hong Kong Foundation
@KasambuhayHK.