Walong linggong pagkabilanggo ang naging parusa ng isang Pilipinang domestic helper dahil sa pananakit sa kanyang alagang batang babae na isang taong gulang.
Nasentensiyahan si Florena Dulla, 53 taong gulang, sa
katapusan ng paglilitis sa Eastern Courts noong Biyernes (July 28).
Inamin ni Dulla na pinalo niya ang kamay ng bata nang tatlong beses matapos itong mahulog sa sofa, at pagkatapos ay inihagis niya pabalik sa upuan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
|
Ang pananakit ay nangyari sa bahay ng amo ni Dulla sa Ap Lei
Chau bandang 8pm noong June 20.
Nalaman ng mga amo ang nangyari nang ikuwento ito sa kanila ni
Dulla mismo, at humingi ito ng tawad, kaya nirepaso nila ang CCTV video at
nakita ang pananakit.
Dahil limang linggo nang nakakulong si Dulla, tatlong linggo na lang ang ilalagi niya sa loob. Mababawasan pa ito kung iaawas ang mga piyesta opisya at discount sa pagiging mabait habang nakakulong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inaasahan ang pagpapakulong ni Dulla, dahil sa nakaraang
pagdinig noong July 14, sinabihan ito ni Magistrate Philip Chan na hindi niya
maiiwasan ang pagkabilanggo matapos niyang aminin na sinaktan niya ang kanyang
alaga.
Ipinagpaliban ni Magistrate Chan ang pagpataw ng parusa kay
Dulla noong Biyernes para sa background check at panonood ng CCTV video na
nagpapakita ng insidente, upang gawing basehan ng sentensiya.
Sa kanyang paghiling kay Chan na magpataw ng magaang na parusa, sinabi ng abogado ni Dulla na sa 15 taon na pag-aalaga nito ng bata sa Hong Kong ay ngayon lang ito nakapanakit, at nagawa lang niya iyon para disiplinahin ang bata at nang hindi na ito ulit mahulog sa sofa.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Dahil sa pagsisisi ay nagbitiw si Dulla sa trabaho at
nawalan ng kitang $6,000 buwan-buwan, dagdag ng abogado.
PADALA NA! |