Walong buwan sa kulungan ang parusa sa isang Pilipina matapos siyang umamin sa Sha Tin Courts kanina na nagsinungaling sa mga opisyal ng Immigration upang mabigyan ng visa bilang domestic helper at makakuha ng bagong Hong Kong ID.
Tig-limang buwang kulong sana ang sentensiya ni Jingle
Bautista, 47 taong gulang, sa tatlong kasong isinampa laban sa kanya -- dalawang kaso ng pakikikutsaba sa
pagsisinungaling upang mabigyan ng visa bilang DH, at isang kaso ng pagsisinungaling
sa isang opisyal upang makakuha ng bagong HK ID card.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero matapos patawan ng kabuuang parusang limang buwan si
Bautista sa unang kaso, pinatawan lang siya ni Acting Principal Magistrate
Cheang Kei-hong ng dalawang buwan para sa ikalawang kaso at isang buwan para sa
ikatlong kaso.
Ito ay matapos humingi ang abogado ni Bautista ng kaluwagan
sa pagpaparusa, dahil gusto na daw nitong umuwi sa kanyang pamilya sa Pilipinas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Malamang na matupad ang kagustuhan niyang makauwi makalipas lang ang dalawang
buwan.
Ito ay dahil hindi na niya kailangang pagdusahan nang buo ang
tatlong buwan pang natitira sa kanyang parusa mula nang ipiit siya noong Feb 8 -- ibabawas kasi sa kanyang sentensiya ang mga piyesta opisyal at iba pang kunsiderason, gaya ng pagiging mabait niya habang nasa loob.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang unang kaso ni Bautista ay paglabag sa Immigration Ordinance
dahil sa pekeng kontratang pinirmahan niya bilang domestic helper ni Warwick
Wong, sa tulong ni Adelia Wong, sa pagitan ng Oct. 25, 2018 at Dec. 6, 2020.
Ang pagsisinungaling ni Bautista at ni Wong ang naging
dahilan kung bakit nabigyan ng visa ang Pilipina kahit hindi dapat.
BASAHIN DITO |
Naulit ang krimen nang pumirma naman si Bautista sa pekeng kontrata
para maging DH ni Nikke George Wong sa tulong muli ni Adelia Wong, mula Dec. 3,
2020 hanggang Dec. 30, 2022, at nakakuhang muli ng visa si Bautista.
Ang ikatlong kaso, ang paglabag sa Registration of Persons Regulations, ay mula sa kanyang pagkuha ng bagong HK ID. Nagsinungaling siya nang ilagay niya sa aplikasyon ang domestic helper bilang trabaho niya, kahit hindi totoo.
PADALA NA! |
CALL US! |