Pinakita ng mga taga Immigration ang mga pekeng kontrata na nakuha nila mula sa sindikato |
Dalawang Pilipino – isang 67 taong gulang na residente at 40 taong gulang na asylum seeker – ang nahuli nitong Martes sa isang flat sa Temple Street, Yau Ma Tei dahil sa pagbebenta diumano ng mga pekeng kontrata sa mga foreign domestic helpers.
Nauna nang hinuli ang may 50 FDH at employer, na
Pilipino, Indonesian at Indian, edad 27 hanggang 67, na pumirma sa mga pekeng kontrata
kapalit ng bayad na $20,000 hanggang $40,000.
Kumita daw ang dalawang lalaki at ang sindikato na
kinabibilangan nila, ng mga $1.2 million sa loob ng nakaraang anim na buwan
mula sa krimen.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nabuwag ang sindikato matapos isa-isang mahuli ang
mga FDH na nagpasa ng mga pekeng kontrata sa Immigration Department at nahuling
nagtatrabaho ng ilegal.
Sa isang panayam pagkatapos ianunsyo ang paghuli sa
dalawang suspek, sinabi ito ni Senior Immigration Officer So Mei-shan: “About
50 people, mainly domestic workers, have been arrested in relation to this
syndicate. We do not rule out the possibility of more arrests as our operation
is still under way.”
(“Mga 50 katao, na karamihan ay mga domestic worker,
ang naaresto na dahil sa sindikatong ito. May posibilidad na madagdagan pa ang
bilang ng mga naaresto dahil patuloy ang aming operasyon).
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Marami daw sa mga naaresto ang nakasuhan na,
samantalang ang natitirang iba ay kakasuhan din matapos ang imbestigasyon.
Ayon kay So, iba-ibang ahensya ang ginamit ng
sindikato para maproseso ang mga pekeng kontrata.
Aabot daw sa 10 sa mga FDH ang nabigyan ng pekeng
kontrata para makapagtrabaho hindi bilang FDH kundi sa mga kumpanya, katulad ng
restaurant, na kailangang kailangan ng mga manggagawa ngayon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Karamihan sa mga FDH ay nakatapos na ng kontrata, at
naengganyong magtrabaho hindi bilang FDH dahil sa ipinangakong mas mataas na
suweldo.
Ayon naman sa Hong Kong Federation of Asian Domestic
Workers Union, ang ilan sa mga naaresto ay mga bagong FDH na iba sa
ipinangakong trabaho sa kanila ng ahensya ang nadatnan sa Hong Kong.
Dahil gipit at alam na hindi sila pwedeng makalipat sa
ibang amo nang basta-basta ay pumayag na lang silang gawin ang ibinigay sa
kanilang trabaho dito.
BASAHIN DITO |
Ayon sa mga taga Immigration, nakumpiska mula sa
dalawang suspek ang ilang computer at iba-ibang dokumento, katulad ng mga bank
statement, employment contract, at pekeng patunay ng suweldo at tirahan ng mga
lumagdang amo sa pekeng kontrata.
Babala ni So, ang sinumang magsinungaling o magbigay
ng pekeng dokumento sa isang immigration officer ay maaring maparusahan ng hanggang
14 taong pagkabilanggo, at multa na aabot sa $150,000.
Ibinahagi ni So na nagkaroon sila ng pagdududa nang
makita ang mga kahina-hinalang dokumento na ipinasa sa Immigration ng ilang mga
FDH. Sa kanilang pag-iimbestiga, natukoy nila na iisang grupo ang nasa likod ng
mga pekeng kontrata na ipinasa ng mga FDH para patuloy na makapagtrabaho sa
Hong Kong.
Pagkatapos ng anim na buwang pagmamatyag ay
nagdesisyon ang Immigration na buwagin na ang sindikato kaya ni-raid nila ang
flat sa Temple Street kung saan naaresto ang dalawang Pilipino.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa mga suspek
ang pagtatrabaho ng illegal, pagbibigay ng maling pahayag, pagsasanib para
makapanloko, paggamit o pagpapagamit ng mga HKID card at money laundering.
Ayon kay So, ilan sa mga FDW na nahuli ay gumamit ng
HKID card ng iba para makapagtrabaho sa ibang lugar. Mula sa kanilang kinikita
buwan-buwan ay binibigyan nila ng parte ang tunay na may-ari ng HKID, kaya
pareho silang kinasuhan ng money laundering, na nangyayari kapag ang perang
galing sa krimen ay “nalilinis” o naihahalo sa legal na pondo.
Paalala ni So, ang mga FDH ay maari lang magtrabaho
batay sa kanilang kontrata, at hindi sa ibang lugar, trabaho o employer na nakapangalan
doon.
Ang lalabag sa ganitong pagtatakda sa batas ay
maaaring makulong ng hanggang dalawang taon at pagmultahin ng hanggang $50,000.
PADALA NA! |