Isang Pilipinong nahulihan ng methamphetamine hydrochloride o shabu habang naglalakad sa Wanchai MTR station ang nahatulan kanina ng tatlong buwang pagkabilanggo.
Sinabi ni
Principal Magistrate Ivy Chui ng Eastern Courts na hindi maiiwasang ipakulong
si Ronald Peher, 37 taong gulang at walang trabaho, dahil ang drogang sangkot ay lubhang mapanganib
at ang nakita sa kanya ay halos isang gramo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dapat nga,
ika ni Chui, ay dinidinig ang kaso niya sa District Court.
Umamin si
Peher sa naunang pagdinig ng pagkakaroon ng 0.95 gramo ng shabu na nakasilid sa
isang plastic bag, nang mahuli siya sa loob ng Wanchai MTR station noong
May 28.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Ayon sa background
report na inutos upang pagbasehan ng kanyang parusa, hindi addict si Peher kaya
hindi siya kailangang ipadala sa rehab.
Dahil ang
natitira na lang na dapat niyang kalagyan ay kulungan, hinatulan siya ni Chui ng
tatlong buwang pagkabilanggo, alinsunod sa Dangerous Drugs Ordinance.
PADALA NA! |
CALL US! |