Ang isa sa mga raid na isinagawa ng Immigration noong nakaraang buwan (File) |
Mukhang naghihigpit na nang husto ang mga awtoridad sa mga nahuhuling nagtatrabaho ng illegal, lalo na yung mga asylum seeker, o yung pinipigilan ang pagpapauwi sa kanila.
Hindi lang sunod-sunod ang mga raid ng Immigration sa mga nagdaang buwan para tugisin ang mga nagtatrabaho nang illegal, humahaba rin ang kulong na
ipinapataw sa kanila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nitong Sabado ay ibinalita ng gobyerno na
sinentensyahang makulong ng 22 buwan at 2 linggo ang isang 46 taong gulang na Sri
Lankan na nahuling nagtatrabaho nang illegal sa Lau Fau Shan Market sa Yuen
Long noong April 24, pero hindi umamin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasama sa nahuli sa raid ang tumayong employer nya,
na patuloy pa ring iniimbestigahan.
Nang hanapan ng dokumento ang empleyado ay
nadiskubre na may hawak siyang recognizance form, na nagpapatunay na
tinututulan niya ang pagpapauwi sa kanya. Hindi rin siya maaring magtrabaho sa
Hong Kong dahil dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bagamat ang pinakamahabang pagkakakulong na maaring
ipataw sa ganitong paglabag ay tatlong taon bukod sa multa na $50,000, madalas
na hanggang 15 buwan lang sa kulungan ang parusang ibinibigay ng korte, batay
sa pamantayan na inutos ng Mataas na Hukuman.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pero sa kasong ito ay kinailangan ng paglilitis
dahil tumanggi sa paratang ang nasasakdal, dahilan para humaba ang pagdinig sa
korte at bumigat ang kanyang sentensya.
Bukod sa asylum seekers ang mga nag-overstay din
ng visa habang nagtatrabaho nang illegal ang nakakatanggap ng ganito kabigat na
sentensya. Mas malala kung makitaan pa sila ng pekeng HKID card.
BASAHIN DITO |
Paalala ng Immigration, huwag magtrabaho ng walang kaukulang
visa, bayad man o hindi, dahil mabigat ang parusang kakaharapin.
PADALA NA! |
CALL US! |