Harap ng gusali kung saan nangyari ang panloloob. |
Dalawang Pilipina ang humarap sa Eastern Courts kanina sa kasong pagnanakaw, pero isa sa kanila ang nakalaya sa bisa ng piyansa at ang ikalawa ay nanatiling nakapiit dahil tumutol ang taga-usig na siya ay pakawalan.
Itinuloy ni Principal Magistrate Ivy Chui ang bisa ng piyansang
$2,000 ni Ofelia Isabel Flores Jeans, 35 taong gulang na residente, matapos humingi ang taga-usig
ng dagdag na panahon upang mag-imbestiga ang mga pulis. Itinakda niya ang
susunod na pagdinig sa Aug. 9.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pero nang mag-alok ang abogado ni Mishell Cornelio, 36 taong
gulang na domestic helper, ng $2,000 bilang piyansa at iba pang kondisyon -- gaya
ng hindi pag-alis sa Hong Kong at regular na pag-report sa pulis -- tumutol ang
taga-usig na pakawalan siya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Malakas ang ebidensiya at nasisante na ng amo si Cornelio kaya
wala siyang matutuluyan, dagdag ng taga-usig.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Ang unang kaso ni Cornelio ay ang pagpasok nang walang paalam sa bahay ng anak ng amo niya sa Sai Ying Pun noong July 9, at pagtangay ng 2,300 Taiwan dollar, 490,000 Vietnamese dong, 381,000 South Korean won, 104 Singapore dollar, 1,400 Thai baht, 9,000 Hong Kong dollar, tatlong gintong kwintas, dalawang CCTV camera, at isang kurtina sa pinto.
Kinasuhan din siya ng pagnanakaw nang dalawang beses sa
nasabing bahay – ng isang gintong kwintas noong June 8, at ng isang gintong
pulseras noong July 6.
Ang residenteng si Jeans (kaliwa) matapos ang pagdinig. |
Samantala, si Jeans ay akusado sa pagnanakaw ng cash na $83,976.60
mula sa Le Colonial, isang Vietnamese restaurant, sa Paterson St, Causeway Bay.
Nangyari umano ang pagnanakaw sa pagitan ng March 15, 2021 at Sept. 13, 2022.
PADALA NA! |
CALL US! |