Aarestuhin ang mga gagamit ng discounted na card na hindi para sa kanila |
Simula sa Lunes ay magtatalaga ng mga grupo ng inspektor sa mga tren, bus, minibus at ferries para masakote ang mga taong gumagamit ng Octopus card para sa mga edad 60 taon pataas at may kapansanan, na nababawasan lang ng $2 kada sakay sa mga pampublikong sasakyan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay Deputy Transport Commissioner Macella Lee sa isang panayam kanina, mga opisyal ng gobyerno, tauhan ng mga travel agency at mga security guards ang bubuo sa grupo ng mga inspector na may tatlong tauhan bawat isa.
|
Tatagal daw ang mga sorpresang inspeksyon ng dalawang buwan o higit pa, at isasagawa tuwing oras ng trabaho araw-araw, kabilang ang araw ng Linggo at piyesta opisyal.
“Layon namin na matigil ang ganitong gawain ng ilang tao na ginagamit ang Octopus card para makuha ang diskwento kahit hindi dapat,” sabi ni Lee.
BASAHIN ANG DETALYE |
Wala daw silang balak na ipahiya ang mga gumagawa ng ilegal na gawaing ito, dahil ang gusto lang nila ay matigil sila sa pang-aabuso sa pribihileyong hindi para sa kanila.
Sabi naman ng isang opisyal ng MTR, nag-umpisa na silang maghigpit sa kanilang mga pasahero nitong nakalipas na linggo.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Pinaalala din niya na itataas ang multa sa mga pasahero na mahuhuling hindi nagbabayad ng tamang pamasahe simula sa Linggo, June 25.
Ang bawat sakay ng MTR na lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng $1,000 samantalang $370 naman ang multa sa mga pasaherong mahuhuli sa LRT at bus ng MTR.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sabi ni Lee, ipaaresto din sa mga pulis ang mahuhuli sa ganitong paglabag.
Kung noon ay naging maluwag daw sila at
pinapabayaang magbayad lang ng tamang pamasahe ang mga taong nahuhuli na gumamit ng $2 na
card, ngayon ay ipapahuli na sila, bukod pa sa pagpataw sa kanila ng mabigat ng
multa.
BASAHIN DITO |
Ang $2 na bayad sa pamasahe ay unang ipinagkaloob sa mga
edad 65 taon pataas at mga may kapansanan noong taong 2012. Noong Pebrero ng nakaraang
taon ay inilunsad ng gobyerno ang JoyYou card, na maaring makuha ng mga edad 60
pataas, para makamit ang pribilehiyong ito.
Kasunod nito ang paglabas ng resulta ng isang
pag-aaral na nagpakitang mahigit 4,000 na katao ang nahuli na lumalabag sa
sistemang ito, at 95.7 porsyento ay mga pasahero ng MTR.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |