Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Recruitment ng residenteng caregiver, gaganapin bukas at Biyernes

07 June 2023

 

Ang mga pribadong RCH katulad nito ang mga unang pinayagang mag-import ng caregivers

Isang job fair na gaganapin ngayong darating na Huwebes at Biyernes, June 8-9, para sa mga Residential Care Home (RCH) – ang mga pasilidad na kumakalinga sa mga matatanda o may kapansanan -- ang maaaring magbukas ng unang pinto para sa mga Pilipinong caregiver sa Hong Kong.

Mga 1,600 na manggagawa ang kailangan para sa iba’t ibang posisyon sa 30 na organisasyong kasali sa job fair, na gagawin sa Southorn Stadium sa Wan Chai.


PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa anunsiyo ng Labour Department, bukas sa lahat ang job fair at walang bayad ang pagpasok dito. Mahigit 1,600 daw na trabaho ang iaalok sa publiko sa pamamagitan nito. 

Pero ayon sa sumagot sa kanilang hotline ngayong araw, para lang sa mga residente sa HK ang mga alok na trabaho sa job fair, at hindi kasama ang mga foreign domestic worker.

Magtatayo ng mga booth ang mga kasaling organisasyon upang tumanggap ng mga aplikante sa iba’t ibang posisyon, gaya ng care worker, training instructor, physiotherapist, occupational therapist, social worker, nurse, child care aide, programme assistant, administrative assistant at cook.

Ayon sa Labour, karamihan sa mga posisyon ay may suweldong mula $14,000 hanggang $23,000 na bubuksan sa mga caregiver.

EXTENDED TO JUNE 30!!

“Sasaglit ako diyan. Baka may oportunidad akong makita,” ika ng isang Pilipinong ayaw ipalabas ang pangalan.

Mahalaga ang resulta ng recruitment na ito dahil dito mas makikita ng Hong Kong kung gaano karaming mga residente ang interesado na mag aplay sa mga bakanteng trabaho sa sektor na ito.

Dahil sa malaking kawalan ng mga manggagawa sa mga RCH ay inaprubahan ng gobyerno kamakailan ang pag-import ng mga caregiver mula sa Mainland China at ibang bansa, kabilang ang Pilipinas.

Itinakda ang pagsisimula ng recruitment sa ilalim ng Special Scheme to Import Care Workers for Residential Care Homes sa June 19.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sa ilalim ng programang ito, bibigyan ng Labour ang mga RCH ng quota sa pag-angkat ng mga caregiver bilang kontratadong empleyado. Sila ang bahalang tumanggap ng mga aplikasyon mula sa mga imported worker na nararapat base sa kanilang pangangailangan.

Dahil may 4,000 nang caregiver mula sa Mainland ang nagtatrabaho na sa HK ngayon, may 3,000 posisyon pa ang pupunuin mula sa ibang bansa sa ilalim ng bagong proyekto na inaprubahan ng gobyerno noong Disyembre ng nakaraang taon. 

Hanggang 7,000 lang sa kabuuan ang maaring tanggapin na mga imported worker sa ilalim ng programang ito.

BASAHIN DITO


Kabilang ang Pilipinas at Indonesia sa mga tinitingnan ng HK na magpupuno ng malaking pangangailangan nito ng mga careworker. 

Noong Enero ay bumisita si Secretary for Labour and Welfare, Chris Sun, sa Pilipinas at Indonesia upang ipaliwanag ang plano ng Hong Kong na mag-angkat ng 3,000 care worker para sa mga RCH.

Suportado ng mga opisyal ng Pilipinas ang plano.

Ang job fair ay bukas mula 11am hanggang 5.30pm sa 1/F, Southorn Stadium, 111 Johnston Road, Wan Chai (malapit sa Wan Chai MTR Station Exit A3. Para sa mga katanungan, tumawag lang sa tel no 2153 3985)

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragonPADALA NA!




Don't Miss