Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pulis nagpaalala: Ingatang hindi mapasakamay ng kriminal ang ATM card

22 June 2023

 

Resibo ng pasok at labas ng pera sa bank account na ginamit sa money laundering (file photo).

Nagpaalalang muli ang Hong Kong Police sa publiko na ingatan ang kanilang bank account, lalo na ang kanilang ATM (automated teller machine) card, upang hindi mapasakamay ng mga scammer at gamitin sa money laundering.

Kasama ang paalalang ito sa report ngayon ng pagkaaresto ng 109 katao kaugnay ng operasyon nila laban sa money laundering mula noong Lunes hanggang kahapon (June 21).

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Karamihan sa mga nahuli, na may edad mula 18 hanggang 82, ay may-ari ng mga bank account na ginamit ng mga sindikato upang linisin ang $59 million na nakulimbat nila sa 76 na scam. Pinakawalan sila matapos magpiyansa, pero pinababalik sila sa Hulyo upang harapin ang pormal na kaso.

Ayon sa report, iba’t ibang scam ang ginamit ng mga kriminal upang makakuha ng pera mula sa kanilang biktama, gaya ng pekeng trabaho, pautangan, online match-making, investment, at online shopping.

BASAHIN ANG DETALYE

Ang perang nakolekta nila ay ipinapasok sa mga bank account at agad inilalabas. Dahil dumaan sa bangko, nalilinis mula sa pera ang bahid ng krimen.

Kapag nagreklamo ang mga biktima sa pulis, ang unang natutunton ay ang may-ari ng bank account na dinaanan ng kanilang pera.

EXTENDED TO JUNE 30!!

“Mananagot ang may-ari ng bank account kahit na sabihin nilang hindi nila alam na ginagamit ito sa money laundering,” ayon sa pahayag ng pulis.

Ang parusa sa krimeng ito ay multang aabot sa $5 million at pagkabilanggo na aabot sa 14 na taon.

Noong May 4, dalawang Pilipina ang nakulong nang masangkot sila sa money laundering dahil nagamit ang kanilang ATM card, kahit nangatwiran ang isa sa kanila na nawala ang kanyang ATM, at ang isa ay ipinagkatiwala daw sa isang kaibigan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Si Hazel V. Gepulgani ay nahatulan ng 12 buwang kulong matapos syang arestuhin noong November 2021 dahil pumasok at lumabas ang $281,400 sa kanyang HSBC ATM account mula June 13, 2020 hanggang June 18, 2020.

Si Marissa C. Mesa naman ay nahatulan ng 15 buwang pagkabilanggo dahil pumasok at lumabas ang $1 million sa kanyang HSBC ATM account. Ang pera ay galing sa love scam, kung saan isang taga-Hong Kong ay nawalan ng $2.5 million.

BASAHIN DITO

May tatlo pa silang kasama sa kaso, pero agad umamin at naparusahan ng dalawa hanggang walong buwan sa kulungan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss