Hinatid si Brenda hanggang sa check-in counter ng driver ng amo (File) |
Sa kabila ng biglang pagpapababa sa kanya ng amo noong Lunes at pagdala sa kanya sa Hong Kong Airport ay nagawa pa rin ng Pilipinang si Brenda na makahingi ng tulong kaya hindi siya napilit na sumakay pauwi sa Pilipinas na $200 lang ang perang dala.
Sa tulong ng
Social Justice for Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at
ng kanyang employment agency ay nakatanggap si Brenda ng $7,399 bilang bayad sa
sweldo at isang buwang pasabi. Nakunan din sya ng bagong air ticket kaya
panatag na siyang umuwi kahapon.
Ayon kay Brenda,
naka 17 araw pa lang siya sa employer na taga Chung Hom Kok nang bigla siyang
papirmahin ng sulat na pinuputol na niya ang kanyang kontrata, at agad-agad na
dinala sa airport ng kanilang driver.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Bago ito ay
ilang beses na daw siyang nagreklamo sa kanyang agency dahil dalawang
malalaking bahay ang nililinis niya at dalawa niyang kasamahan na Indonesian.
Bale may apat na palapag daw ang mga bahay, at may mga tatlong gusali ang
pagitan kaya araw-araw ay panhik-baba sila, bukod pa sa lakad.
Nag-abot lang
sila ng kanyang mga amo ng tatlong araw bago umalis ito papuntang ibang bansa kaya
nitong huli ay wala nang nakatira sa mga bahay kundi sila ng mga kasamahang
Indonesian, at limang aso.
Sa kabila nito
ay walang tigil daw ang kanilang paglilinis, at hindi puwedeng magpahinga bukod
sa oras ng pagkain, hanggang matulog sila ng 8:30 ng gabi.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
“Binigyan man
lang kami sana ng kahit 30 minutong pahinga,” sabi ni Brenda. Pero hindi daw
ito nangyari dahil laging nakabantay ang sekretarya ng kanilang amo, at agad
silang hinahanap kapag hindi sila nakita sa camera.
Kapag sinabi nya
daw sa sekretarya ang “I am so tired,” ay sasagutin lang siya ng “I know, I
know,”pero tuloy pa rin ang pagbabantay sa kanila.
May mahigit na
200 na CCTV daw sa mga bahay, kaya nakikita ng sekretarya ang kanilang bawat
galaw. Dahil dito ay napansin ng sekretarya na madalas na kumuha ng litrato sa
buong kabahayan si Brenda kaya sinita siya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa utos ng amo
ay pinabura ng sekretarya ang mga kuha ni Brenda, at sinabing labag ito sa
privacy ng kanyang mga pinagsisilbihan. Ang hindi niya alam ay pinadala na ni
Brenda sa kanyang pamilya sa Pilipinas ang mga kuha para may magamit na patunay
sakaling magkaroon siya ng problema sa trabaho.
Ang hindi niya
inakala ay agad siyang papababain matapos palabasin na siya ang pumutol sa
kanyang kontrata, at agad dalhin sa airport ng hindi binabayaran kundi ng $200
na pamasahe daw para sa kanyang pag-uwi.
Kahit nakabantay
ang driver para masigurong nag check-in sya sa kanyang flight papuntang Maynila
ay nakatawag pa rin si Brenda kay Marites Palma, founder ng Social Justice, na
agad namang ipinarating ang kayang kalagayan sa OWWA.
BASAHIN DITO |
Sa loob lang ng
ilang minuto ay natawagan ng OWWA ang kanyang ahensya, na dali-dali namang
sinabihan ang employer na kailangan niyang bayaran si Brenda ng sweldo para sa
17 na araw at isang buwang pasabi dahil sila naman talaga ang may gustong
umalis na siya.
Pinagsabihan din
ang amo na hindi nila dapat dinadala sa airport ang isang domestic worker kahit
ito pa ang nag terminate dahil binibigyan ito ng batas ng 14 na araw para maghanda
para sa pag-uwi, maghabol sa mga dapat ibayad,
o magsampa ng kaso o reklamo kung kinakailangan.
Pinayuhan din ng
OWWA si Brenda na magpunta sa Department of Migrant Workers pag-uwi kung gusto
niyang maisama sa watchlist ang kanyang amo dahil sa ginawa sa kanya.
Pagkatapos
makuha ang pagsang-ayon ng amo ay ang ahensya na mismo ang nag desisyong tumakbo
sa airport para abonohan ang napagkasunduang bayad na $7,339. Kinuha din si
Brenda ng bagong ticket bagamat kinabukasan na siya makakaalis.
Kahit medyo
naiiyak pa rin ay nagawa pa rin ni Brenda na magpasalamat sa mga tumulong sa
kanya, lalo na ang kanyang ahente na nangako pa daw na bibigyan siya ng bagong
amo sa pagbisita nito sa Pilipinas sa darating na buwan.
Gusto pa rin
naman daw niyang bumalik sa Hong Kong, kaya lang ay “sana ay hindi na ganoon
kalaki ang bahay, kahit mag-alaga pa ako ng bata at magsilbi sa mag-asawang
amo,” sabi ni Brenda.
Hindi naman daw
siya bago sa pangangamuhan kahit ito ang
unang kontrata niya sa Hong Kong. Nakapagtrabaho na din siya sa Taiwan at sa
Singapore, kung saan maganda ang trato as kanya ng mga amo na parehong doktor.
Sayang nga lang
daw at nagdesisyon ang mga ito na manirahan na sa Amerika kaya naisipan niyang sa
Hong Kong naman makipagsapalaran.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |