Hindi pa tapos ang kaso ng Pilipina. |
Isang Pilipina ang nakipag-ayos kanina sa halagang $2,775.39 na babayaran ng dating amo na nilayasan niya matapos siyang suntukin ng asawa nito, pero itutuloy ang kaso sa Labour Tribunal para sa danyos at iba pa niyang hinahabol.
Ipinagpaliban ni Presiding Officer Charmaine Lo ang susunod
na pagdinig, na magtatakda sa paglilitis, upang hintayin ang resulta ng imbestigasyon
ng pulis sa pananakit kay Sharon Moreno.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay Lo, dito nakasalalay ang iba pang hinahabol ni Moreno
laban sa among si Wong Chi Sing.
Nag kontra-demanda naman si Wong para habulin ang $4 million na nawala umano sa kanyang negosyo dahil kalahating araw na lang siyang nakakapasok mula nang umalis si Moreno, isang buwang sahod dahil lumayas ito nang walang pasabi, at tatlong buwang pamasahe sa taxi na $80 araw-araw dahil siya na ngayo ang naghahatid sa kanyang mga anak sa paaralan.
Pero ayon kay Lo hindi pwedeng singilin ang isang helper
sa pagbagsak ng negosyo ng amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi rin ni Lo na hindi makatarungang sumakay si Wong sa taxi
upang ihatid ang mga anak niya, samantalang may sasakyang pampubliko gaya ng minibus,
at pagbayarin si Moreno dito. Ayon kay Moreno, naglalakad lang siya at mga bata
mula bahay hanggang paaralan.
Pero depende rin sa resulta ng imbestigasyon ng pulis kung pananagutin si Moreno sa pag-alis niya, dagdag ni Lo.
BASAHIN ANG DETALYE |
Sa pinirmahan ng dalawang panig, ang matatanggap ni Moreno ay
ang hindi nabayarang araw na pinagtrabahuan niya, air ticket na $1,132.92, allowance
para sa paglalakbay na $200, at refund sa binayaran niyang OEC (overseas employment
certificate) na $65.50.
Ang nakabinbin pa sa sinisingil ni Moreno ay ang danyos na
$107,335, na dapat ay suwelduhin niya sa 22 buwan at 21 araw na natitira pa sa
kanyang kontrata sa amo, ang isang buwang sahod ($4,730) na kapalit ng abiso.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Sinabi ni Lo na may karapatan si Moreno na lumayas sa
illalim ng Section 10 ng Employment Ordinance, kung totoo na siya nga ay
sinaktan.
Pero idinagdag niya na wala sa batas na may karapatan siyang
sumingil ng isang buwang sahod bilang kapalit ang abiso.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nang imungkahi ni Lo na gawin itong bayad-pinsala, tumutol si
Moreno dahil mabubura nito ang danyos na hinahabol niya -- ang halos 23 buwang
suweldo, na ayon kay Lo ay wala rin siyang karapatang singilin.
Dahil mauuwi sa paglilitis ang usapin, pinayuhan ni Lo ang
dalawang panig na magsumite ng mga dokumento at ebidensiyang kailangan nila.
BASAHIN DITO |
Ayon sa kanya, sa isang kaso ay may panalo at may talo, at ang talo ang mananagot hindi lang sa mga dapat ibigay sa nanalong naghahabol kundi sa mga gagastusin din sa paglilitis.
Pinaalala rin niya na ang gastos sa
pagsangguni sa abogado ay hindi pwedeng isama sa ibabayad sa mananalo sa kaso.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |