Ang nasamsam na droga (larawan mula sa HK Customs |
Nagsimula kanina ang paglilitis sa High Court ng isang Pilipinang nasangkot sa isang kasong droga dahil siya ang tumanggap ng isang karton na may lamang dalawang kilong shabu at ketamine, na dumating mula sa Malaysia.
Kinasuhan
si Alma Montano, 38 taong gulang na domestic helper, ng pagtatangka na
mangalakal ng mapanganib na gamot matapos siyang hulihin ng mga operatiba ng Customs
and Excise noong Dec. 11, 2019.
Kasama niyang
kinasuhan si Nwokeji Ifeanyi Canis, isang 50 taong gulang na Nigerian, na
kinasuhan ng pangangalakal ng droga.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa testimonya
ng unang dalawang kawani ng Customs, nasabat ang isang kahon na may markang nagsasabi
na naglalaman ito ng mga parte ng vacuum cleaner, dahil may nakitang kahinahinalang
laman nang idaan ito sa x-ray.
Binuksan
ng isang kawani ang karton at, maliban sa mga parte ng vacuum cleaner, mayroon ding nakapaloob na pakete ng pulbos na tsokolate. Nang buksan nya ang mga pakete, tumambad
sa kanya ang drogang nakabalot sa palara. Nakumpirma sa Ion Analysis Test na
ang nakita niya ay methamphetamine hydrochloride (o shabu) at ketamine.
Ayon sa unang
press statement ng Customs noong Dec. 12, 2019, nagkakahalaga ang mga droga ng
$2.5 million. Pero ayon sa napagkasunduang salaysay sa korte, ang halaga
ng nasamsam na mahigit tatlong kilong droga ay $1.8 million.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Dumating
ang karton sa Customs Control Point sa Lok Ma Chau na dala ng isang sasakyan ng
UPS mula sa Shenzhen, kung saan ibinaba ito ng eroplanong galing sa Kuala
Lumpur. Nakapangalan ito kay Montano, at nakalista ang kanyang tirahan at
numero ng telepono.
Nang tawagan
ng testigo ang numero, sinagot ito ni Montano, na pumayag din na tanggapin ang kahon
sa kanyang tirahan.
Ayon sa testigo,
dumating si Montano sa harap ng isang gusali sa Sham Shui Po para tanggapin ang
kahon mula sa taga Customs na nakasuot ng uniporme sa UPS. May dala siyang straw bag upang paglagyan
nito.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Doon na
inaresto si Montano, na nagulat sa pangyayari. Binalaan siya ng ahente na ang mga sasabihin
niya simula noon ay puwedeng gamitin sa korte laban sa kanya. Noon din siya kinausap
na makipag-tulungan upang mahuli ang totoong may-ari ng droga.
Mula
doon ay dinala niya ang straw bag sa isang lalaking naghihintay sa kasunod na
kanto. Inilapag niya ang bag at nang bitbitin ito ng lalaki naglabasan ang mga
operatiba ng Customs. Inaresto nila si Nwokeji.
Dinala Si
Montano at Nwokeji sa istasyon ng pulis, sakay ng magkahiwalay na sasakyan,
upang imbestigahan.
BASAHIN DITO |
Itutuloy
ang pagdinig hanggang June 24 sa harap ni Deputy High Court Judge Douglas Yau
at pitong hurado na napili kahapon.
PADALA NA! |