Naganap ang paghahatol sa Eastern law courts |
Isang Pilipina ang nakulong ng limang buwan at 10 araw matapos mahatulan sa Eastern Courts ngayon na nagkasala ng overstaying at pagkakaroon ng mapanganib na gamot.
Si Janice Sahagun, 41 taong gulang, ay isang domestic
helper na na-terminate noong March 16 at hindi na umalis noong March 30.,
pagkatapos ng dalawang linggong palugit upang maghanap ng bagong amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pindutin para sa detalye |
Para sa 13 araw na pag-overstay nang maaresto siya noong
April 12, pinarusahan siya ni Principal Magistrate Ivy Chui ng 7.5 na buwang pagkabilanggo.
Pero .dahil agad nyang inamin ang pagkakasala nang
basahan siya ng asunto noong nakaraang pagdinig, binawasan ni Magistrate Chiu
ng 1/3 ang parusa kaya naging limang buwan ang kanyang pagkakakulong.
BASAHIN ANG DETALYE |
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Ang dagdag na 10 araw sa kanyang sentensiya ay dahil,
nang arestuhin si Sahagun noong April 12 sa Sai Wan, nakitaan din siya ng isang
plastic bag na may lamang 1.26 gramo ng methamphethamine hydrochloride o shabu.
Inutos ni Chui na pagsibihan ni Sahagun nang
magkasunod ang dalawang parusa.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
BASAHIN DITO |
Matapos ang pagsusuring inutos ni Magistrate Chiu kay
Sahagun, nakompirma na ito ay gumagamit ng bawal na gamot, at ang nakitang
droga sa kanya ay para sa pangsariling gamit.
Sinabi ng kanyang abogado na maliban sa dalawang
kasong ito, malinis ag rekord niy sa Hong Kong.
Naligaw daw siya ng landas matapos mawalan ng trabaho
at mabigong makakita ng panibago.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |