Paalala mula sa Konsulado |
Nakatakdang magbigay ng serbisyo at sumagot sa mga katanungan ang mga taga PhilHealth sa Konsulado ngayong darating na Linggo, June 18, mula 9am hanggang 4pm.
Pwede ang mag walk-in sa mismong araw para makasama
sa PhilHealth Service Mission. Paalala lang nila, dalhin ang mga kaukulang
dokumento.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang mga serbisyong maaring makuha ay ang pag mimiyembro
sa PhilHealth, pagpalit sa record (katulad ng pagtama sa pangalan na
nakarehistro at pagpalit ng civil status), pagtanggap ng claim ng mga
nagkasakit habang nasa Hong Kong at pagbigay ng member’s ID.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Matatandaan na matinding inalmahan ng mga overseas Filipino workers ang batas na nagtatalaga ng pwersahang pagpapamiyembro at pagbabayad nila para sa PhilHealth, na sa ngayon ay nasa 4% ng buwanang suweldo.
Pero dahil nasa batas pa rin ang sapilitang
pagbabayad ng mga OFW sa PhilHealth ay maari pa rin itong ipatupad anumang sandal.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Bilang paglilinaw sa mga isyung may kinalaman sa pambansang health insurance provider, magsasagawa din sila ng orientation para sa mga lider ng Filipino community sa Hong Kong sa kaparehong araw, 4:30pm, sa Konsulado.
May imbitasyon mula sa Konsulado para sa pag-uusap
na ito, at ang makakatanggap ay kailangang magparehistro agad dahil limitado
ang bilang ng mga upuan.
BASAHIN DITO |
Narito naman ang link sa mga serbisyong ibibigay ng
PhilHealth, at kung ano-anong dokumento ang dapat na dalhin:
PADALA NA! |