Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Paano singilin ang among naghihirap

09 June 2023

 

Ang employer na si Liu matapos ang pagdinig

Napaiyak ang Pilipinang si Redjylyn Moro kanina nang umupo sa pagdinig ng kasong isinampa niya laban sa dating amo sa Labour Tribunal upang habulin ang $23,700 na dapat bayaran sa kanya.

Nang tanungin ng clerk kung may problema siya, sumagot siya na na-miss lang nya ang dating among si Liu Sau Ching.

Lumabas sa pagdinig na wala silang pinag-awayan nang umalis siya sa bahay nito, at lahat ng hinihingi niya na umabot sa kabuuang $23,700 ay hindi tinutulan ng amo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

May isang problema lang: hindi siya mababayaran ng amo agad-agad dahil nagkaroo ito ng problemang pinansyal.

Sa katunayan ay inaasa na lang nito ngayon ang pang-araw araw na gastusin sa buwanang ayudang $9,000 na mula sa programang CSSA (Comprehensive Social Security Assistance) ng gobyerno.

Kaya ang isyung natira kay Presiding Officer Charmaine Lo ay kung paano mapapayag si Moro na tumanggap ng buwanang bayad, at si Liu na ibigay ang kalahati ng kanyang ayuda.

PAPAANO SUMALI? PINDUTIN ITO!

“Dapat kasi ay nabayaran na ang lahat nang ito noon pa,” ika ni Lo kay Moro. “Pero kung pipilitin natin siyang bayaran lahat, baka tuluyan na siyang hindi makabayad.”

Sumang-ayon naman si Moro: “Naiintindihan ko ang kanyang sitwasyon.”

Hiniling niya na idaan ni Liu ang bayad sa Tribunal, at ipasa ito sa kanyang bank account “upang may record na nabayaran ako buwan-buwan.”

EXTENDED TO JUNE 30!!

Nagsampa  ng reklamo si Moro matapos siyang umalis sa bahay ni Liu noong Abril dahil kulang sa minimum na $4,630 ang ibinayad sa kanya sa loob ng nagdaang taon, kaya naningil siya ng $13,700.

Naningil din siya ng isang buwang suweldo kapalit ng pasabi (in lieu of notice).

Sumang-ayon si Lo na tama ang paghahabol dito ni Moro. Ayon sa section 10 ng Employment Ordinance, ang isang manggagawa ay may karapatang umalis sa trabaho nang walang pasabi kung hindi siya nababayaran ng suweldo. Hindi rin siya mananagot sa pagbabayad ng isang buwang sahod; bagkus, siya ang dapat bayaran nito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Dahil hindi nakauwi si Moro sa Pilipinas mula 2015 hanggang 2022, naningil din siya ng $4,600 bilang kabayaran sa mga araw na dapat sana ay ginugol niya sa bakasyon (annual leave).

Idinagdag din niya ang air ticket, travel allowance, long service pay, $5,400 na nagastos sa hotel quarantine nang bumalilk siya noong Agosto 2022, at iba pa.

Matapos sumahin ang lahat at awasin ang mga nabayaran na ni Liu, ang natirang bayarin ay umabot sa $19,498.94.

BASAHIN DITO

Natapos ang kaso nang magpirmahan ang mag-amo sa kasunduang magbabayad si Liu ng $4,524.50 bawa’t buwan sa loob ng 20 buwan.

Binalaan ni Lo si Liu na kapag pumalya siya ng kahit isang beses ay kailangan niyang bayaran nang buo ang natitira pa niyang utang.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

Don't Miss