Ng The SUN
Sinabi ni Sec Ople sa isang media briefing kamakailan na mahirap tanggalin ang OEC |
Bilang tugon sa matagal nang hiling ng mga overseas Filipino workers ay tatanggalin na ang overseas employment certificate (OEC) na matagal nang nagpapasakit sa mga pauwi sa Pilipinas - pero mayroon itong kapalit.
Inilunsad kagabi
ng Department of Migrant Workers sa
pamamagitan ng zoom ang OFW Pass, na magsisilbing patunay na ang mayhawak nito
ay lehitimong OFW, at magagamit para makakuha ng Exit Clearance sa mga pabalik
sa kanilang trabaho mula sa Pilipinas.
Sa madaling
salita, ang OEC ay papalitan ng Exit Clearance na maaari lang makuha kapag may
OFW Pass na ang isang manggagawa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay DMW
Secretary Susan “Toots” Ople na siyang nanguna sa pagpapakilala sa OFW Pass sa
ilang daang Pilipino mula sa iba-ibang lugar na sumali sa zoom meeting, ito ang
sagot ng gobyerno sa hinaing ng marami tungkol sa hirap ng pagkuha ng OEC.
Sa Hong Kong
lalo na, laging inaabot ng ilang oras ang pagpila at pagkuha sa dokumentong ito
na kailangan ng lahat ng mga OFW para payagan silang makalabas muli ng bansa at
bumalik sa kanilang trabaho.
Sa zoom meeting kagabi, sinabi ni Ople na maari na lang gamitin ang OEC sa loob ng 60 araw |
Ayon kay Secretary Ople, agad nang ilulunsad ang mobile application o app ng OFW Pass sa Apple Store at Google Play, at maari nang gamitin agad para makakuha ng Exit Clearance, bagamat ipagpapatuloy pa rin ang pagtanggap ng naka imprentang OEC sa loob ng susunod na dalawang buwan.
Dahil dito,
sinabi naman ni Assistant Labor Attache Angelica Sunga na magbubukas ang
Migrant Workers Office bukas, July 1, kahit holiday, para sa mga gustong
gumamit pa rin ng OEC, na may bisa ng 60 araw o hanggang sa katapusan ng Agosto
na lamang.
Pindutin para sa detalye |
Ilang araw na
ding umaabot ng ilang metro ang pila para sa OEC nitong nakaraang mga araw,
lalo na tuwing araw ng Linggo, na siyang day-off ng karamihan ng mga domestic worker
sa Hong Kong.
Nang tanungin
kamakailan si Ople kung bakit hindi na lang nila tanggalin ang OEC gayong may
mga kontrata at visa naman na maaring ipakita ang mga pabalik na OFW, sinabi
niyang hindi ito basta-basta magagawa dahil naka “embed” o baon na ito sa
sistema ng Philippine Overseas Employment Administration.
Sa 2024 ay ika
50 taon na anibersaryo na daw ng programa ng gobyerno na payagang magtrabaho sa
ibang bansa ang mga Pilipino, kaya ganun na rin katagal ang sistema na ang
datos ay nakasalalay sa pagbibigay ng OEC sa mga manggagawa na umaalis ng Pilipinas.
EXTENDED TO JUNE 30!! |
Pero sa
kagustuhan daw ng kasalukuyang pamahalaan na bigyan ng mas maraming oras ang
isang nakabakasyong OFW sa piling ng kanyang pamilya ay humanap sila ng paraan
para mapadali ang pagkuha ng OEC.
Ang nakapanlalambot na pilahan para sa OEC noong nakaraang Linggo (photo by Annabelle Maregmen) |
Sabi pa ni Ople
sa zoom meeting, nakipag-usap din sila sa Department of Budget ang Management
na ilibre na ang Exit Clearance, hindi katulad ng OEC na kailangang bayaran ng
P100 tuwing kukunin.
Bukod dito,
lifetime din ang OFW Pass at Exit Clearance hanggang may kontrata at employment
visa ang isang OFW, hindi katulad ng OEC na hanggang 60 araw lang ang bisa.
Magsisilbing
permanenteng talaan ng mga detalye na may kinalaman sa pagtatrabaho ng isang
Pilipino sa ibang bansa ang kanyang OFW Pass, at hindi niya maaaring burahin
mag-isa dahil ang record ay naka konekta sa buong sistema ng DMW.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang
pinakaimportante, hindi na kailangang pumila sa MWO para kumuha o magpatulong
na kumuha ng OEC ang isang OFW dahil makukuha nila ito pamamagitan ng pag
upload ng kanilang employment visa sa kanilang OFW Pass kapag sila ay pauwi.
Maari din nila
itong gamitin ng paulit-ulit hanggang may bisa pa ang kanilang employment visa
sa ibang bansa.
Pero para
masiguro na mga lehitimong OFW lang ang mabibigyan ng OFW Pass, kailangan muna
nilang irehistro ang lahat ng kanilang mga personal na detalye, at pati ang mga
impormasyon na may kinalaman sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa, sa DMW
Mobile, na isa ding app na ma da download sa Apple Store o Google Play.
Ganito din ang problema sa Dubai ngayon |
Ang mga
sumusunod ang maaring makagamit ng DMW Mobile app: (1) yung mga OFW na
kasalukuyang nagtatrabaho; (2) yung mga paalis ng bansa sa unang pagkakataon at
dumaan sa mga employment agencies mga pinayagang mag direct hiring o nakuha ang
trabaho sa pamamagitan ng government-to-government placement; (3) mga lumipad
ng employer o kumpanya at na-verify ang bagong kontrata ng MWO; (4) mga
nagbakasyon at babalik sa dating employer.
Kasama sa pagre
rehistro sa DMW Mobile ang pag upload ng litrato ng pasaporte ng manggagawa at
kopya ng kanilang pinakahuling visa. Kailangang naka konekta sa wifi o sa data
ang telepono o device na gagamitin para magrehistro, pero kapag nakuha na ang
OFW Pass ay pwede na itong mabuksan anumang oras, kahit na ikaw ay
naka-offline.
BASAHIN DITO |
Ayon kay Ople,
batid nila na marami sa mga OFW ang hindi bihasa sa paggamit ng bagong
teknolohiya o luma ang mga gamit na cellphone kaya mahihirapang makarehistro sa
DMW Pass at makakuha ng OFW Pass, kaya kakailanganin daw nila tulong ng mga
volunteer sa komunidad para dito.
Para sa mga
karagdagang impormasyon tungkol sa pagrerehistro sa DMW app at pagkuha ng OFW
Pass, maaring tunghayan lang ang mga paliwanag sa pahinang ito: https://docs.google.com/document/d/1qyIJy-dsbkmHr8VRTQVYm7Qhv9gB_nW1/edit
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |